I DO NOT OWN ONE PIECE.


Nagulat ako. Wala man lang akong nakitang Filipino/Tagalog fan fiction para sa One Piece. Gusto kong subukan. Tignan natin kung bumenta naman. ZoRobin fan ako, subukan natin sa mga katauhan nila. Kung binabasa mo ngayon to, malamang Pinoy ka. Comment ka ha. Makita ko lang na nagbasa ka, Masaya na ako, kahit anong komento. Masama sa loob ko na ang mga tagalong fictions ay parang dinededma ng mga kababayan natin. Karamihan tig-iisang review lang.

Itaguyod naman natin ang sarili nating wika! XD

Gusto niyo ba itong gawing ma-aksyon? Pa-komento naman oh. Komento ka ha para di naman ako mukhang tanga. hihihihih


PROLOGO

Malamig at malalim na ang gabi pero abala parin sa crows nest si Zoro, siya ang nakatoka para magbantay sa gabi. Patuloy parin siya sa pagbubuhat sa mga dambuhala niyang dumbbell na animo akala mo kasing bigat ng mundo. Tulad ng dati, buong buo parin ang determinasyon niya na maging pinakamalakas na swordsman sa mundo tulad ng ipinangako niya sa matalik niyang kaibigang si Kuina. Habang abala siya sa pageensayo ay nasa kanya-kanya nang mga kwarto ang mga Nakama niya, masarap na ang hilik at mukhang nakarating na sa iba't ibang panig ng mundo ang mga isip ng kasamahan niya, maliban sa isa.

Gising parin si Robin.

May kumatok sa pintuan ng crows nest.

"Pasok." Ang sabi ni Zoro. Alam niyang si Robin yun, dahil hinhintay niya talaga si Robin.

Pumasok sa loob si Robin, nakangiti, ngiti ng taong nagmamahal (naks!).

"kanina pa kita hinihintay." Sabi ni Zoro, na akala mo napakatagal na panahon niyang di nakita tong si Robin. Nako naman oh, mga taong inlab nga naman.

"Namiss mko? Kenshi-san ko?" ang malandi namang sagot ni Robin.

"tch." Ang pakipot naman na sagot ng poging Zoro.

Umupo si Robin na siya namang sinundan ni Zoro. Umupo siya sa tabi niya.

"Kailan natin sasabihin sa kanila?" Ang tanong ni Robin.

"Ewan ko. Kung gusto mo bukas na lang." Ang sabi naman ni Zoro.

"Natatakot ako, baka d nila matanggap."

"Ako na bahala kay Luffy. At dun sa makating kusinero." Ang sabi naman ni Zoro.


A/N:

Binasa mo? Salamat! Mag-iwan ka naman ng review at paki sagot naman mga katanungan ko dun sa intro ko. Salamat. :D

Gusto ko rin i-alay ang Fan Fiction na ito sa mga nasalanta ng lindol nating mga kababayan sa Visayas. Ipagdasal naman natin sila….