A/N: :D This is my first fanfic so pasensya na kung corny, panget or anything else

A/N: :D This is my first fanfic so pasensya na kung corny, panget or anything else.. I would appreciate comments and suggestions para ma-improve ko ang style ko.

OKAY. Eto na!!

Ang Dakilang Epal

By sabrina.l0ve

Chapter 1

Napakaganda ng umaga.. at super excited na akong pumasok sa school, ewan ko ba kung bakit, pero feeling ko may mangyayaring maganda ngayon. Ako nga pala si Haruno Sakura, isang 13-year old girl na kasalukuyang freshman sa Konoha High School.

Gaya ng dati, naglakad akong patungong school, malapit lang naman eh.. pakanta-kanta pa nga ako..

"When you look me in the eyes….". Talagang feel-na-feel ko yung kanta.. hehe. lalo pa at naaalala ko yung mga mata ng crush ko.. Malapit ko ng matapos yung chorus nang may bumatok sa kin.. Ano ba yan?? Nakakaasar ha! Sayang ang moment!!

Lumingon ako para tignan kung sino yung unggoy na bumatok sa kin.. siyempre, walang iba kundi si Uchiha Sasuke, ang dakilang epal sa buhay ko. Gwapo naman siya, matalino, basketball player, pero saksakan ng yabang. May itim din siyang buhok na kakaiba ang shape. Hayy.

"Ano ba Sasuke??", sigaw ko sa kanya. Kung tutuusin, lagi talaga kaming nagaaway nitong unggoy na to, ewan ko ba kung bakit gusting-gusto niya akong pinatitripan... "Ang ingay mo kasi, nabibingi yung mga ibon..", sagot niya, habang tinuturo ang mga ibon sa puno ng acacia, tapos nagpatuloy sa paglalakad. Aba, ganyanan ha… Hinabol ko siya at binatukan.

"Ano ba Sakura??", sigaw nya sa akin. "Sabi kasi nung mga ibon, ikaw daw ang maingay", sagot ko, at tinuro din ang mga ibon dun sa puno., Ngumiti ako at tumakbo papunta sa school. Ayoko ngang mabutukan uli! Haha.

Pagdating ko sa school, sinalubong ako ni Ino, yung bestfriend kong may blond hair na super haba. "Good morning Sakura!", sabi niya habang nakangit ng sobra-sobra.. halatang may nangyaring kakaiba ngayon ah. "Ino, anong nangyari sa'yo?", tanong ko. "Anong nanyari? Walang nangyari…", sagot niya pero naka-smile parin ng todo-todo. "Bahala ka nga Ino..", sagot ko. Sabagay, baka talagang masaya lang siya ngayon.. Umupo muna kami doon sa garden.

Pupunta sana ako sa canteen para kumain, nang dumating si Hinata kasama yung crush ko.. Grabe, ang ganda ng mata nya.. "Bye Kuya Neji!", sabi ni Hinata Hyuuga sa pinsan niyang second year. Oo, siya yung crush ko, si Hyuuga Neji, star student ng second year at varsity player pa, not to mention na ang cute ng eyes niya.. iba kasi ang mata ng mga Hyuuga..

Tinitigan ko siya habang naglalakad siya papunta sa building ng second year... nang may biglang pumitik sa noo ko.,. Ano ba yan!! Bakit ba lahat ng moments ko nasisira. Sino ba yung pumitik sa kin?!

Ay, si Hinata pala. "Uy, Sakura, nakatitig ka nanaman kay Kuya Neji ha.." , sabi niya. "Kasalanan ko ba kung ang cute ng pinsan mo?", dipensa ko. "hindi naman, pero diba si Ate Tenten na ang girlfriend niya? Kaya hindi magandang tinitignan mo ng ganyan ang bf ng iba…", sagot ni Hinata.

Speaking of Ate Tenten, kadarating lang din niya. Pumasok siya sa gate, habang hila-hila ang bag niyang malaki.. Maganda naman si Ate Tenten, brown ang buhok niya at laging nakatali na parang ganun kay Pucca.. at bukod pa dun, kaklase niya si Neji sa star section at pumapangalawa siya sa kanya.. captain pa siya ng volleyball team kahit 2nd year palang.. grabe kasi yung couple na yun, parang magaling sa lahat, kaya bagay talaga sila.

Lumapit siya sa amin. "Good morning!", bati niya. Ngumiti lang kaming tatlo. "Uhmm, Hinata, nandyan na ba si Neji?", tanong niya. "Yup, kapapasok pa lang niya sa building niyo.", sagot ni Hinata. "Okay, sige, thank you.", sagot ni Ate Tenten at umalis na siya.

Pagkatapos ng ilang sandali ay dumating na si Uchiha Sasuke. "Good morning Sasuke! Parang bumagal ka ata maglakad?!", sabi ko. "Hn.", sagot lang niya at umalis na.

Maya-maya ay nag-bell na at pumasok na kami sa mga classroom namin. Ok narin kasi hindi ko naman katabi si Sasuke sa Math. Pumasok na ang mataray naming teacher na si Miss Anko. Nagturo siya, at nakinig kami.. magulo yung lesson kaya nung magtanong siya at walang sumagot, nagsimula na ang sermon.

"Ano ba naman?! Napaka-passive talaga ng section niyo!! Wala man lang makasagot!", sigaw ni Miss Anko. Halos mapatid na ang litid ni Ma'am sa kakasigaw nang nag-taas ng kamay si Sasuke.

"Oh, ano Sasuke, sasagutin mo ba yung equation kanina?", tanong niya, medyo kumakalma na.. Tumango si Sasuke at nagsimula na siyang mag—solve sa board. Ang galing niya ha! "Tama ang sagot ni Sasuke, ngayon, pumili ka ng susunod na sasagot.", sabi ni Ma'am.

"Si Sakura po", sagot niya, sabay smirk.

Ano?! Hindi ko nga maintindihan yung lesson eh.. Patay tayo diyan..


So, that was my first chapter, alam kong medyo boring pero I'll try to improve on the next chapter, marami pang hindi nangyayari..

Sneak Peak:

Nag-simula na ang Spin-the-Bottle, at unang tumapat kay Sasuke ang bote.

"Pare, matagal ko nang tinatanong sayo to, pero hindi mo naman sinasagot, ngayon, sagutin mo dapat.. sino ba crush mo?", tanong ni Naruto.

"Sino pa ba, eh di si Sakura", sagot ni Sasuke.