Warning: This is in Filipino language. Sorry. But I'll make an English version A.S.A.P.;)

Author's Note: Ito ang pinaka-as-in-pinakang unang storya na ginawa ko. (Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa kokote ko, die-hard Royai fan ako pero ito ang nagawa ko. sigh .) This is a Tsubasa x Misaki. (medyo out of character sila ha, pasensya na). Sila ang ginamit ko kasi ang CUTE nilang magkasama at konti lang ang nagsusulat tungkol sa kanila. Kahit "parang" supporting characters sila ay ang CUTE pa rin nila! (Ewan ko ba, pero masgusto ko pa yung "parang" mga supporting characters na pairing, tulad na lang ng Royai at si Tsubasa at Misaki). In case di niyo na-gets ito: sigh , sweatdrop . Yung sigh bugtong hininga at yung sweatdrop yung hugis tulo ng tubig na karaniwang lumalabas sa likod ng ulo o di kaya sa side ng mukha.getz?. Anyway, mag-iwan na lang kayo ng review, o better yet suggestion. Salamat! Mabuhay ang mga Pinoy! (mabuhay!). Enjoy mga kababayan ko!

Disclaimer: Hindi ko pagmamayari ang Alice Academy at ang mga characters na ginamit ko dito.


Chapter 1: Paghihiram

Biyernes ng Hapon...

"Ok Class! Tapos na ang klase natin para sa araw na ito!". Sabi ni Mr. Noda sa kanyang klase.

"Opo!!!". Sagot naman ng buong klase ng Special Ability Class.

Paalis na ang ibang mga estudyant ng klasrum, nang lumapit si Mikan Sakura kay Misaki Harada. "Misaki pwedeng pahiram ng notes mo?" magiliw na tanong ni Mikan sa 14-year old niyang ka-klase, "O sige, heto o" sabay abot sa kanya ang isang itim na kwaderno, "Siguraduhin mo lang Mikan na ibabalik mo sa akin yan sa Lunes, bago magsimula ang klase natin kay Mr. Noda ha?" pa-ngiting sabi ni Misaki sa naghihiram "Opo! Salamat" masayang sagot ni Mikan. "sigh Walang anu man" sagot ni Misaki. "Sige po! aalis na ako" sabi ni Mikan at nagpaalam. 'hay naku! ang batang yun, walang araw na di masigla' pa-ngiting sinasabi ni Misaki sa kanyang isipan habang palabas ng klasrum.

"Oi! Misaki!" sigaw ng isang boses-lalake habang patakbong lumalapit sa kanya.

"O? ikaw pala Tsubasa" sagot ni Misaki sa kanyang malapit na kaibigang lalake.

"Pwe-pwedeng….pa-pahiram….ng….no-notes….mo" pahingal na sagot ni Tsubasa.

" sweatdrop Ikaw din?" tanong ni Misaki sa naghihingalong kaibigan.

"Sige na naman o" pakiusap ni Tsubasa sa malapit na kaibigang babae.

"Sige na nga, pasalamat ka at may spare notes pa ako dito. Hiniram kasi ni Mikan yung isa kong kwaderno" habang kinukuha niya ang kwaderno sa bag. (imagine nyo na lang may bag siya.hehehe).

"Ah! siya nga pala…." napahinto muna si Misaki sa pagsasalita dahil sa nahihirapan siyang mahanap ang spare notes sa bag. "...Saan ka ba galing,? di ka pumasok kanina sa klase ni Mr. Noda ha? at bakit ka tumatakbo?" natuloy na rin ang sinasabi niya at tumingin kay Tsubasa.

"Ah!...eh…kasi…ano…" lang ang nasabi ni Tsubasa.

"O? bakit di ka makasagot? Siguro may ginagawa kang kalokohan noh?" patuksong at pa-ngiting sabi ni Misaki sa kaibigan.

"Hindi noh!" depensa ni Tsubasa. "May ginawa lang akong importante".

"O? talaga? saan? kasama nino? ikaw ha? baka may girlfriend ka na di mo lang sinasabi sa akin?" tukso ulit ni Misaki...teka, parang nasaktan siya sa nasabi niya, ang parte na "girlfriend".

'Si Tsubasa may girlfriend?' sabi niya sa kanyang isipan.

"Pwede ba! Nagmamadali ako Misaki at may naghihintay pa sa akin doon sa aking pupuntahan, ayokong pinapahintay siya" sagot ni Tsubasa kay Misaki na tila pinag-taasan niya ng boses.

"Oo na! heto o" sagot ni Misaki, sabay abot sa kanya ng kwadernong asul.

"Salamat" seryosong sagot ni Tsubasa at umalis na.

'Parang wala siya sa mood para magbiro ngayon ha?...nakapagtataka' sabi niya sa sarili habang pinagmamasdang umalis si Tsubasa, nang din na niya ito matanaw, ay bumalik na si Misaki sa dorm niya. Dapit hapon na rin kasi iyon at ang klase niya kay Mr. Noda ay ang huling klase niya sa araw at sa linggong iyon.

'Ano kaya yung ginawa ni Tsubasa kanina?' tanong ni Misaki sa kanyang sarili.

-----Itutuloy...-----