Ang nakaraan sa Chicharong Flower…

Nalaman na sa wakas ang kagimbal-gimbal na katotohanan sa likod ng mahiwagang nagmumultong Hyuuga Hiashi: isa pala itong madapaking feke! As in! Bukod pa doon, napag-alaman na rin ni Neji kung bakit, sa kabila ng pagiging pasaway ng housemate nya na chicharon vendor, ay hindi nya ito maitapon palabas ng kanyang mansyon— yun nga lng eh, nde p alam ni Tenten na alam na ni Neji yun.

Walang kasing-langgam-ish na finale para sa ating mga bida, after fifty thousand years ng nde pag-uupdate. Cencya na, naaliw ako mcyado dun sa Raimundo x Kimiko website ko hehehe. Op kors, nde shameless plugging yun wakekeke!

Tenks sa pagbabasa ng Chicharon, pati na rin sa reviews at emails. I'm glad na pinasaya kau ng kagaguhan na ito in one way or another, at na-convert ang iba sa NejiTen pa. Dacal pung salamat!

As my best friend puts it, Alabshu!

…………………………………………………………………..

Bumaba si Neji, pupungas-pungas pa. Kagabi ay pinuyat cya nina Gai, Naruto, at ng kanyang pinsan dahil naglaro cla ng pusoy. Dapat nga nde na cya sasali kung nde lng tlaga cya ilang sa isa pa nilang kasambahay na halatang iniiwasan cya.

Mula sa sala ay naririnig nya ang marriage ng dalawang boses na tila galing pa ata sa balon ni Sadako.

"Nang dahil kay Nanay…sa galing nyang magsampay! Buhay ay nagkaroon ng ku—"

The binata groaned. Ilang araw na ba nyang naririnig yang kantang yan? Hanggang ngaun, hinuhulaan pa rin nina Naruto at Gai ang missing word na yan. Ilang beses na rin nyang sinabing "kulay" ang missing word, pero pinakinggan b cya? Syempre nde!

Ani Naruto, "That cannot be, cousin so in law! It's too simplified! They will not give one million pesos for something so…so…simplificated!"

At si Gai? "I cannot see the connection between kulay, sampay, and Nanay! It's so….far!"

Tanging ngiwi n lng ang nagawa ni Neji nang narinig nya ang guessing game na sumunod sa hinayupak na patalastas na yun.

"Ku…to?" guessed Naruto. "Bu-hay ay nagkarooon ng kuuuu…to!"

"Istupeeeed!" Sinapak ni Gai ang pasaway na lalaki. "A person can have kuto with or without Serp!"

Nde nmn patatalo ang asawa ni Hinata. "For your piece of inflammation, when you make sampay under the sun, you will have kuto!"

Napaisip ang teacher. "Hmm…you're right… but let's explore the other possibilities, shall we?"

"We shall," agreed Naruto. "Buhay ay nagkaroon ng ku…mag?"

"Why kumag?" gustong malaman ng Hollywood hair stylist.

"Maybe they eat the Serp powder."

"Hmm…can be…" Gai grinned. "How about ku…#$?"

Gusto nang ihampas ni Neji ang ulo sa dingding.

Saktong pasok naman ni Tenten sa living room. "Nakapagluto na c Hinata sa kusina, Naruto, Sir Gai. Kain na."

"What is our meal all about?" tanong ng nakakatanda habang papasok sa kusina.

"Kwan, champorado at tuyo." Magpapatiuna na sana ang dalaga nang nag-gesture c Naruto sa may escalator.

Neji was standing by it, nde alam ang gagawin bigla.

Ang chicharon vendor naman ay natigilan din, pagkwa'y nag-shrug. Tuloy-tuloy ito sa kusina.

Nagkatinginan can Gai at Naruto, tapos ay napatingin kay Neji na mukhang wounded. Sabay sayaw. "Lagot, lagot, lagot ka Neji! Fafa, fafa, galit sau c Mama!"

Nde man lng nakareact ang lalaki. Grabe plang mainis ang babae. Kung alam lng nya na magkakaganito yun, nde na sana nya tinalo ito sa tong-its nun.

…………………………

Sa hapagkainan ay kapansin-pansin na dalawa lng ang nde maganang magsalita. Tenten was looking down on her bowl of champorado, patikim-tikim. C Neji ay nakatungo din, tila nagbibilang ng butil ng malagkit.

C Hinata naman ay pinanghihimay ng tuyo ang asawa. Cyempre, tinanong ni Gai kung bkit ganito yun.

Si Naruto na ang sumagot. "Kc pag ako naghihimay, yung balat lng ang nakakain ko."

"What? You only eat the skin?" Gai was astonished. "Do u know that the skin is oily? Do u want to get skin cancer?"

Napaubo c Tenten, at tila automatic gesture ay inabutan ni Neji ito ng baso. Maang na napatitig dito ang dalaga.

Walang laman na tubig ang baso.

Pahiya, binawi ito ng binata.

Hinata seized the chance to make the two talk. Aba, nde lng nmn ang dalawang ito ang naiilang sa katahimikan ng mansyon ng mga Hyuuga.

"Kuya Neji, may samaan b kau ng loob ni Miss Tenten?" Direct approach.

It was Neji's turn to cough. "K-Kami? W-Wala namn. Bakit ba kung meron? Masama ba yun? Labag ba sa batas ng angkan yun? Tsaka ano ba ang pakialam nyo? May maitutulong ba kau?"

Mulagat ang lahat.

Napatungo uli ang binata, wasak na ang huling timbang ng pride sa kaloob-looban.

"Ano po masasabi nyo dun?" ani Hinata, tingin sa chicharon vendor.

"Ang sarap ng pagkahalo ng champorado ko," ani Tenten, shrugging.

Napabuntunghininga na lng ang tagapagmana ng leadership ng angkan.

"I sense a fraction between you," simula ni Gai, feeling peacemaker khit na noong panahong nag-aaral cya eh public enemy no.00001 cya sa classroom.

"Friction," ani Neji.

"Inamin nya!" said Naruto cheerfully.

"Wala akong inaamin!" snapped the binatang Hyuuga. "Kinorek ko lng!"
"Basta!" Nde maalis ang ngiti sa mukha ni Uzumaki Naruto.

"EH SA WALA NGA AKONG INAAMIN EH!"

"K-Kuya Neji, maupo ka muna," mabilis na saklolo ni Hinata, sweatdropping. Napansin na kc nyang mahigpit na ang hawak ng pinsan nya sa tinidor at handa na I-target shooting ang asawa nya.

"Wag po kaung mag-alala, Sir Gai."

Natahimik ang lahat sa muling pagsasalita ng chicharon vendor. Nagpatuloy c Tenten. "Kung meron man po, matatapos na po ito ngaun."
"Bati na tau?" ani Neji, nagkapag-asa ang mga mata.

Nde ito pinansin ng dalaga. "Aalis na po ako mamaya."

………………………………………

"Khit anong pagmumukmok mo jan, Kuya Neji, wala kang magagawa," wika ni Hinata nang nadatnan ang pinsan na nakaupo sa sulok ng hardin, nanghuhuli ng tutubi. "Desisyon po ni Miss Tenten yun."
Napabuntunghininga ang lalaki. "Ayan, ang ingay mo. Lumipad tuloy yung kukunin ko."

"Kuya Neji, alam kong ayaw mo po cyang umalis," ani Hinata. "Gumawa po kau ng paraan para mag-iba ang desisyon nya."

"Tulad ng ano?"

"Nde ko po alam."

He glared at her.

And she smiled back at him. "Kuya Neji, huli mo kong tiningnan ng ganyan nang twelve years old ako. Noong una mong nalaman na ako pla yung anak ng tito mo na mejo nde at peace sa tito ko na daddy mo. Naaalala mo yun?"

He remembered punching her hanggang sa muntik na itong mamatay kung nde lng umawat ang mga matatanda. "K-Kala ko kc… pinagtatawanan mo ang Barbie ko. Nde lng ako ang lalaking naglalaro ng Barbie…sabi ni Ama yun."

"Alam ko." Hinata patted him. "Kung nagawa nyo po yun para sa manika nyo, bakit nde nyo magawa iyon para sa isang taong mas mahalaga sa kahit ilang daan pang Barbie sa mundo? She's one-of-a-kind, she's priceless…why would you want to let her go?"

Napahalukipkip c Neji. "Nde sa pakakawalan ko cya. K-Kaso…"

"Kung pauunahin nyo po ang takot nyo, mabubuhay kau sa what-ifs. Mas masakit ang what-ifs kaysa regrets, Kuya Neji," she said softly.

Magsasalita sana ang binata nang lumitaw c Naruto mula sa likuran. "She's right, cousin so in-law! You know that life is short! Give it your best shoot! Er, shot! Uh…shooting? Shootable? Shootification?"

"Ayaw nya ako pansinin," himutok ni Neji. "Para natalo lng sa tong-its eh…"

"Baka kc nde mo tinupad ang deal nyo," ani Hinata. "I remember, u wagered the pigs para sa trabaho nyang ihanap ka ng kunwa-kunwariang fiancée."

Nanlaki ang mga mata ng binata. "OK k lng? Pag binigay ko sa kanya yun, aalis n tlaga cya!"

"It does not matter. She's leaving anyway," ani Gai, lumitaw mula sa taniman ng mga malunggay. He flashed his killer smile. "Is my camouflage gorgeous, or GORGEOUS?"

"Ano yung gorjus?" tanong ni Naruto sa asawa. "Tsaka yung kamuflaj?"

Iba ang naging tanong ni Neji. "Aalis na cya ngaun den?"

"Uh…"

"Damn!" Tatakbo n lng sana ang binata nang pinigilan ito nina Naruto.

"Bro, if you will attack the battlefield without weapon, you will become hostaged and taken by the Abu Sayyaf!" Naruto pulled him back to them. "Ganito gawin mo…"

……………………………

Nanonood c Tenten ng MYX sa sala at nakiki-emote kay Akon ng pumasok si Neji, pawisan. She arched an eyebrow at him.

"Ibibigay ko na ang mga baboy!" he announced, still catching his breath.

She turned the TV off. "Para ka namang umiiyak sa Pugad Lawin. Ano ba problema mo?"

"Ibibigay ko na ang mga baboy!"

"Er…okayyy…"

"Aalis ka pa ba?" he asked uncertainly.

"Oo naman."

"Pati mga manok ko, iyo na, sampu ng mga itlog nila!"

"N-Neji, okay ka lang?" she asked, gulat sa kanya.

"Bkit kelangan mo pang umalis?" he asked, sa wakas nailabas na ang tanong na nagppahirap ng loob nito.

She grimaced. "C-Cyempre, nde pwdeng habambuhay andito ako. Sabi ko nga sau, basta feeling ko kaya ko nang tumayo mag-isa, aalis ako."

"Ano ang pwede kong gawin para nde ka umalis?" he asked. "Gusto mo kantahan kita? Sayawan?"

"Napanood ko na yan, Neji," she said, shaking her head.

"Magpapatalo na ako sau araw-araw sa tong-its, kung yun ang problema," he said desperately.

"Kung nde ka nandadaya, tlagang mangyayari nga yan sau," she smiled wanly.

"Alam mo?"

"Oo naman."

"Kaya ba galit ka?"

She shrugged.

"Nde mo ba ako mapapatawad?" he asked quietly.

"Nde nmn kc yun ang kasalanan mo." She finally released a smile. "Pero salamat na rin, Neji."

"Ano bang nagawa ko?" he asked miserably.

"Nde yun ang tanong." She sighed. "Ano ba ang nagawa ko, yun ang dapat mong itanong."

"Katatanong ko lng nun eh. Inulit mo lng."

She groaned. "Nde! Ibig sabihin, ano ba ang nagawa KO?" Sabay turo sa sarili. "Ko! Me! Okay!"

"Ano ba ang nagawa mo?" bawi ni Neji.

"Sikret."

"Tenten naman…may karapatan akong malaman yun," he said.

"Oh? Bakit naman?"

"Yun lang ang tanging pwede kong panghawakan para nde ka umalis."

Natahimik c miss chicharon vendor.

"Kung ayaw mo sabihin sa akin, the least you can do for me is to say yes."

"Yes? Sa aling survey? FHM ule?"

"Sa marriage proposal ko."

She froze in front of him. "A-Ano?"

"Marriage…kasal. Wedding, nuptial, pag-iisang dibdib."

"P-Para saan?" she asked, nervously laughing. "Don't tell me, may katulad n nmn ni Sir Gai na lilitaw at—"

"Ako lng ang may gusto nito." He smiled tenderly at her. "Kc napamahal na sa akin ang chicharon vendor na gumulo ng buhay ko."

She stared at him, wide-eyed.

"Gusto ko, nandito ka lang lagi," he continued. "Kc walang ibang taong makakapagpasaya sa akin na katulad ng ginawa mo sa akin."

"E-Eh…di sana, inofferan mo n lng yung mga tao sa karnabal ng kasal. Mas mapapasaya ka nila."

"Nde ko nmn cla pwedeng mahalin na katulad ng sau."

She fell speechless…again.

"Ayaw mo ba tlaga sa akin?" asked Neji, pinagpapawisan na ng malamig. "G-Guwapo naman ako, sabi ni inay. A-At kaya kitang ipagluto at ipaglaba. Healthy nmn ako at maganda ang genes, palahian material."

A smile crossed her face.

"One-woman man ako, nde tulad mo, makita lng na sabay c Drew Arellano at Carlos Lorenzo ay nde na alam kung cno ang titilian. Eh mas pogi naman ako sa mga yun."

She was starting to tremble. Totoo ba lahat ito? Mahal nga ba cya nito tlaga?

"At kakainin ko lhat ng chicharon na pwede mong ichicharon…manok, baboy, baka, sugpo, pusit, kalabaw, kambing, tupa…"

"Bakit mo cnasabi yang mga yan?"

"Sinasabi ko lng ang kaya kong mga gawin. Sampol lng yun." He smiled coyly. "May intermission number din ako." Pabulong, kumanta ito. "May tatlong bear sa isang bahay…"

Napahalakhak na ng tuluyan ang dalaga. "Neji!"

"… Si Papa Bear ay napakalakas… si Mama Bear ay napakaganda…" Todo choreography ito.

"Neji, utang na galang! Ang laswa-laswa mong tingan! Baka kunan ka at ilagay ka sa Scandal VCDs!"

"…Si Baby Bear ay napakaliksi…"

"Neji! Cyet, ano to, horror erotica genre?"

"Tingnan nyo, tingnan nyo…"

"Neji, naka-high ka na nmn! Sininghot mo yung Elmer's Glue no?"

"Ala ka tiwala dun. O cge, live demo n lng sa iba kong abilities." He cupped her face, and before she could react, he had kissed her already.

Nde n cya nakareact nang bitawan cya nito, ngingiti-ngiti.

"Ay, ano yun?" nasabi na lng nya.

"He smirked. "Sorry. Evaluation license expired. Kung gusto mo nun araw-araw, pakasalan mo ako."

She cocked an eyebrow. "Jelly fish jutsu?"

"Kunwari ka pa, bitin ka namn."

She sighed. "Cge na nga."

He blinked. "Tlaga? Alang bawian ha."

She nodded shyly.

"Teka, ano ba yung atraso mo sa akin nga pla?" ungkat ni Neji.

She shrugged. "Nothing much. Yun lng na feel kitang gawing asawa at ama ng aking future family."

He grinned. "Absolved k n dun."

……………………………….

Tunay nga na ang buhay ay mahiwaga…minsan feel mo alam mo na ang magaganap sa buhay mo, tapos, biglang may darating na nde mo aasahan at babaguhin ang lahat-lahat sau. Kapalaran ang tawag dun.

Pero yung nde mo alam na may nangyayari sa buhay mo, tapos walang dumarating at wala kang inaasahan at walang nagbabago sau, isa lang ibig sabihin nun. Walang katorya-torya ang buhay mo.

Pero di bale, ako, si Tenecita Teneciente Da Sarapen-Hyuuga, ay wala ng kinalaman dun. May iba na akong buhay, buhay na nde ako nag-iisa.

Weirdo man ang paraan ng pagpapakilala ng kapalaran ko sa akin, nde na ako makakapagreklamo pa.

…except kung pinapatulan nya ang asawa ng pinsan nya at sinasabayan ng national anthem nila.

"May tatlong bear sa isang bahay…"


wakas