Chapter 4
One million views
Minsan hindi natin maiiwasan
Kung dati Nobody Nobody but you ang drama mo
The next day ang hindi mo alam
Instant YouTube sensation ka na
Kinabukasan
"BOSS!" sigaw ng humahangos na si Hayato.
Pagpasok nya sa opisina ng boss, laking gulat nya nang naroon na lahat ng mga guardians nakapalibot sa harap ng computer ni Tsuna, bawat isa ay may kakatwang mukha, pati si Hibari na ayaw dumikit ay napilitang lumapit.
"Alam nyo na?" tanong ni Hayato habang pumupwesto sa harap ng computer.
"Lagot sa 'kin ang gumawa nito" ani ni Hibari sabay labas ng handcuffs (a/n: teka di ba kay Alaude yan?)
"Kufufu…" ngisi ni Mukuro habang iniisip ang gagawin sa talipandas na nag post ng video nila.
"Haha… nakakahiya pero aminin nyo ang gwapo natin" tawa lang si Takeshi pero matalim na ang mga mata.
"EXTREME KA-GWAPUHAN!" habang pinapatunog ang mga kamao.
"1 million views agad matapos lang ang…" chinek ni Lambo ang date ng posting ng video "…isang araw, ilang beses kaya nila pinanood ito?" tanong pa niya.
Nagbuntong hininga na lang ang Decimo sa loob-loob nya hindi na kailangan mag tanong pa kung sino ang nagpost; alam naman nyang isang dating baby na nakasuot ng fedora ang may kagagawan nito. Ang hindi lang talaga niya maatim ay yung mga comments sa baba ng video.
Nag-scroll pa sila upang basahin ang mga comments at ito ang ilan sa mga nabasa nila.
MamaSurriA:
My precious! Gagawin ko lahat maging akin ka lamang… kyaa! So sexy naman ng Decimo at mga guardians nya.
(Cue: shivering)
ThePrinCe:
Ushishi… antaying nyo lang Vongola magkakaroon din kami nyan.
Kero2pi:
Ahh… hindi ko alam na may ganitong quirk ang master ko.
(Mukuro: kufufu… magda-dissect ako mamaya ng frog.)
VOIIII:
Haha… mukha kayong mga tanga! (Cue: vein twitching)
Volta:
Mas gwapo ang boss ko dyan.
VariaBoss:
Che… pasikat!
EroJulie:
Kung sana manlang mga babes ang pinasayaw nyo lalo na si Chrome (Mukuro: patay ka sa'kin manyak ka!)
BigboobHeild:
Kung lahat ba naman sana ng mga lalaki ganito at hindi gaya nung ISA dyan.
Koyok:
Eh…
(Lambo: Ang haba, grabe napagod ako kababasa)
Ryuji:
…
(Ryohei: may mashahaba pa ba dito?)
ShittP:
Fioeuu kjgiu… fjija
(Hayato: Oi! Secret language ng mga UMA, ichi-check ko yan.)
KaORu:
Uso pa pala ang harana.
eRtMsTr:
Masubukan nga kay misis.
(Tsuna: *snickers*)
diNObrONcs:
LOL! Nice one lil' bro
SuperMario:
Wow, request ko lang try nyong gumawa ng MV nung fave song ko sa videoke.
UniHime:
Nakikita kong gagawa pa kayo ng part 2.
FulmineGamma:
Ayos ah… parang alang magawa sa buhay ang mga Vongola.
(Yamamoto: Haha… grabe ka naman)
Nors:
Pati ata pagiging boy band balak ng pasukin.
(Hibari: walang basagan ng trip)
BigMantazaru:
Try nyo butsikek Vongola style.
ILuvMallows:
Nice going Tsu-kun!
(Tsuna: Shoo… anong Tsu-kun?)
IrIEsho:
Whaa… pwede pwede
GoLAspAner:
Hmm… bagong training method ba ito?
TensaiGiani2:
Bravo Decimo and guardians I never knew you had it in you.
kenChanel:
The best si Sir Mukuro byon…
Chikusa:
Ken ayusin mo namang ang comment mo.
kenChanel:
Paki alam mo Chikusa!
Chikusa:
*deadpan* Ken naaasar na ako.
:
Ahaha… sana para sa aking na lang ang harana mo Mukuro! Luv you!
MiSt2:
M.M maguusap tayo mamaya.
Kora:
Ano nanaman ang pinasok nyong gulo? Kora!
ComsubinLal:
Pagbalik ko galing sa mission mag training tayo Vongola guardians at ikaw Colloneo kahit minsan hindi mo nagawa ito sa 'kin.
ImrtalSkul:
As expected sa mga estudyante ko.
(Vongola: sinong estudyante?)
GzozaMstr:
Hmm… siguro naman ok na si I-pin nito, she got what she wanted.
TechnoVerde:
Bagong research material ito.
IlsIonstMamon:
Magkano kaya kikitain ko kapag binenta ko ito sa labas ng Vongola?
(Lambo: pigilin nyo si Mammon, baka mahuli yan ng MTRCB for copyright infringement)
WrldsG8stHtMan:
Kulang pa sa Training
(Tsuna: comment ka dyan ikaw itong nagpost nito.)
Pero despite ng kahihiyang sinapit nakakatuwang isipin na bati na ulit sila ng kani-kanilang mga misis ika nga all that is well ends well.
OWARI