Twinkle Twinkle Little Star

Disclaimer: Fairy Tail® by Mashima Hiro

Warning Filipino/Tagalog language!

ღ(。◕‿‿◕。)ღ

"Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Lucy sa kanyang kasintahang si Gray. Dumungaw si Lucy sa labas ng salamin ng sasakyan, mumunting kilabot ng takot ang naramdaman niya ng matanaw ang kadiliman sa labas. Ni wala man lang poste ng ilaw ang napaka habang daanan. Isa pa naman ang 'dilim' sa listahan ng kinatatakutan ng magandang dalaga.

"Shit!" naiiritang naipalo ni Gray ang kamao sa stirring wheel na lalo namang ikinataka ng dalaga. "Namatay yung battery ng sasakyan."

Waring binuhusan ng napaka-lamig na tubig ang dalaga sa sinabi ng kasintahan. "Ano?" pagalit na usal ni Lucy. "Of all the place na mamatayan tayo ng baterya ng sasakyan dito pa sa...napakadilim at walang katao-taong high way!"

"Tsk, alam ko." magalit na turan ng guwapong binata. Naiinis na isinandal ni Gray ang ulo sa head rest and matamang nag-isip ng solusyon sa problema. Isang buntong hininga ang lumabas sa binata bago palinga-lingang silip ang madilim na paligid.

"Ano na, Gray?"

"Lalabas ako." matipid na sagot ng binata.

Napahinto at napakurap sa gulat ang dalaga sabay pagalit na sumagot. "Ano? Iiwan mo akong mag-isa dito? Ayoko nga!" mariing sad ng dalaga sa kasintahan.

"Kung pareho tayong maiiwan dito walang mangyayari satin." Marahan namang tugon ng binata.

Naikunot ni Lucy ang kanyang noo at pagalit na sumagot muli. "Saan ka ba kasi pupunta?"

"Maghahanap ako ng bahay o kahit anong gusali na may tao na puwede nating mahingan ng tulong."

Nairolyo naman ni Lucy sa pagkairita ang kanyang kulay kapeng mga mata. "So ine-expect mo talagang may bahay sa mala-abandonadong daanan na ito?"

"Malay mo lang naman."

"Gray naman ehh, alam mo naming takot ako mag-isa sa dilim ehh." Naiiyak na wika ng dalaga.

Ngiti at marahang haplos sa pisngi naman ang tinugon ng kanyang kasintahan sa kanya. "Napaka-matatakutin mo talaga." Saad ng binata sabay halik ng marahan sa mga labi ng dalaga. "Saglit lang ako, pangako. Mga isang oras lang." malambing nitong wika.

Namula naman ang mga pisngi ng dalaga ngunit patuloy pa din siya sa pag-labi sa binata. Isang buntong hininga na may halong pagkayamot ang tinugon ni Lucy. "Thirty minutes lang, kapag wala kang makitang bahay o kahit tao within thirty minutes, bumalik ka agad dito." Mariing sagot ng dalaga.

Muling napangiti si Gray sabay tango. "Okay, okay." Hinugot ng binata ang susi saka muling tumingin sa dalaga. "Lock mo ang mga pintuan okay?"

Tumango ng marahan si Lucy at tahimik na minasdan habang lumabas ng sasakyan ang binata. Sa labas ng pintuan ay sumilip si Gray sa kasintahan at ngumiti. Maliit na ngiti naman ang tinugon ng dalaga bago tuluyan umalis ang binata patungong timog. Muli naming pinagmasdan ni Lucy ang marahang paglakad ng binata hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa kanyang paningin.

Nakakabinging katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan, hindi mapakaling papalit-palit ng puwesto si Lucy sa loob ng saksakyan makalipas ang labing limang minutong paghihintay sa kasintahan. Madalas siyang luminga sa daang tinahak ng binata habang inuusal ang panalangin na sana bumalik na ito.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Lucy at muling luminga sa harap. Napahinto siya ng makita ang isang pigura ilang metro ang layo sa sasakyan. Naningkit ang mata ni Lucy habang tinititigan ang pigura ngunit namutla lamang siya ng maaninag ito ng mabuti gamit ang liwanag ng buwan. Nanigas sa takot ang dalaga habang pinagmamasdan ito, ang pigura ay nakakurba ng patagilid, ang nakahabang buhok nito ay nakatabing sa mukha ng pigura ngunit kahit paano ay naaninag ni Lucy ang nanlilisik na mata ng pigura.

Lalo namang natakot ang dalaga ng biglang humakbang papalapit ang pigura patungo sa sasakyan. Kumakabog sa takot ang dibdib niya habang lihim siyang umuusal ng panalangin, ng makalapit ang pigura na pulgada na lamang ang layo sa sasakyan. Napagtanto ng dalaga na ang pigura ay isang babaeng nakasuot ng marumi at sira-sirang damit habang ang kulay pula naman nito buhok na tila hindi na nadaanan ng suklay ng nakapatagal ng panahon ay nakatabing sa mukha nito.

Napakapit sa takot si Lucy sa upuan ng ngumiti ng nakakasindak na ngiti ang misteryosong babae. Muli itong kumilos papalapit sa kanyang puwesto. Mabilis namang kinalabit ni Lucy ang lock ng pintuan para protektahan ang sarili. Naiiyak na lumayo sa binata si Lucy ng marahang kumatok ang babae sa binata ngunit ang nanlilisik nito mata at nakakapanindig-balahibo nitong ngiti ay hindi man lang natinag na ikinatakot lalo ng dalaga

Napaiyak sa kaba ang dalaga ng umanas ang tila nababaliw na babae sa labas ng sasakyan ng isang pambatang kanta. "Twinkle, twinkle, little star… how I wonder what you are…" anas nito na sinasabayan ang pagkanta ng pagkatok sa salaming bintana.

Nanginginig at sinisinok sa takot na nilingon ni Lucy ang likod ng sasakyan upang silipin kung bumalik na ang kanyang kasintahan. Sinubukan niyang huwag makinig sa nakakatakot at marahang pagkanta at pagkatok ng baliw na babae sa kanyang bintana.

"Gray, nasaan ka na ba kasi?" natatakot na wika ng dalaga habang umiiyak, ngunit napahinto siya sa pag-iyak ng mapansing katahimikan muli ang namayani sa paligid. Marahang nilingon ni Lucy ang bintana at nakahinga siya ng maluwag ng makitang naglaho na ang babaeng baliw. Tinangkang sumilip ni Lucy sa bintana ng bigla na lang dumungaw ang babae sa binata.

"Ahhh!" napatili sa takot si Lucy sabay atras papalayo sa bintana.

Napahalakhak naman ang baliw na babae at muling kumanta. "Twinkle, twinkle, little star… how I wonder what you are… up above the world so high, like a diamond in the sky." Pasuray-suray habang lumalakad ang baliw na babae patungo sa kabilang gilid ng sasakyan.

Napapaiyak naman sa takot ang dalagang may olandes na buhok. Patuloy siya sa pagsambit ng pangalan ng kasintahan at panalangin na muli ng bumalik ang binata para itaboy and baliw na babae sa labas na sanhi ng nakakahilakbog sindak sa dalaga. "Gray please, please parang awa mo na bumalik ka na…" naiiyak na utal ng dalaga habang nanginginig ang dalaga sa takot.

"When the blazing sun is gone, when he nothing shines upon… Then you show your little light… Twinkle, twinkle, all the night…" yumuko ang baliw na babae na wari'y may pinulot sa sahig. Nang muli itong sumilip sa takot na takot na si Lucy, muli itong ngumiti ng nakakasilakbong ngiti. Isinayaw nito ang kanyang ulo kasabay ng pagkanta habang unti-unting nitong itinaas ang kaliwang kamay.

Waring binuhusan ng napakalamig na tubig si Lucy ng tuluyang itinaas ng baliw na babae ang kaliwa niyang kamay at ipinakita ang nakakaligalig na bagay sa kamay nito, pakiramdam ni Lucy tinakasan siya ng kulay ang kanyang mukha ng makilala ang bagay sa kamay ng baliw na babae.

Isang nakakabingi at makabasag-pusong tili ang pinakawalang ng dalaga. Pumalahaw siya ng iyak sa takot at madaling inilayo ang mga mata sa pugot na ulo na hawak ng baliw na babae. Pugot na ulo. Pugot na ulo ng kanyang mahal na kasintahang si Gray.

"Gray—!"

Habang humahagulgol sa iyak si Lucy sa loob, pumapalahaw naman sa galak ang baliw na babae sa labas. Walang puso nitong isinasayaw ang pugot na ulo ng binata na tila tinutuya ang nagmimighating dalaga. Sinasabayan ng kanta ng baliw na babae ang kanyang pagsayaw at maya-maya muli ito humarap sa umiiyak na si Lucy.

Humihikbing nilingon ni Lucy ang pugot na ulo ng kanyang kasintahan na nilapag ng baliw na babae sa unahan ng sasakyan. Muli din naman binawi ng dalaga ang basang mga mata at tumingin sa baliw na babae na matamang nakatitig sa kanya. Sa pagitan ng paghibik ni Lucy, matalim niyang tinignan ang baliw na babae.

Muling ngumiti ang baliw kay Lucy, sinubukan nitong buksan ang pintuan ng sasakyan ngunit nabigo ito dahil ini-lock ito ni Lucy kanina pa. Nagdiwang naman ng palihim si Lucy dahil alam niyang ligtas siya sa loob ng sasakyan hangga't nakalock ang pintuan ng sasakyan. Napahinto naman ang baliw ng mapagtanto nitong nakalock ang pintuan. Inihilig ng baliw ang ulo na tila nagiisip saka muling ngumiti.

Lalong kumabog sa takot ang dibdib ni Lucy ng muling humahalaklak ang baliw at dahan-dahang itinaas ang kanang kamay.

"Twinkle, twinkle, little star… how I wonder what you are…"

Naninigas at nangangatog ang katawan sa natakot at walang pag-payaw sa pag-iyak ang dalaga habang pinagmamasdang sinuksok ng baliw na babae ang susi ng sasakyan na malamang ay nang-galing sa pinatay na kasintahan. Nais sanang lumabas ni Lucy sa labas at tumakbo palayo sa baliw ngunit ang katawan niya ang naninigas na sa takot, iyak at lihim na panalangin na lamang ang kanyang ginawa habang pinagmamasadan sa takot ang baliw habang ito ay binubuksan ang pintuan ng saksakyan. Nang tuluyan na nitong mabuksan ang sasakyan muling nakakabinging sigaw ang pinakawalan ni Lucy ng sungaban siya ng baliw na babae.

ღ(。◕‿‿◕。)ღ

"Isang karumaldumal na krimen ang naganap sa isang abandonadong daan." Wika ng babaeng reporter sa harap ng camera. "Isang binata na nag-nga-ngalang Gray Fullbuster ang natagpuang wala ng buhay at wala ng ulo ilang dipa lamang sa sasakyan nito. Napag-alamang nasiraan ng sasakyan ang binata kasama ang kasintahan nitong si Lucy Heartfillia bago maganap ang krimen. Naabutan ng mga pulis ang dalaga sa loob ng sasakyan na puno ng dugo ang buong damit at katawan ngunit ni isang gasgas ay walang man lang natagpuan sa dalaga. Iniimbestigahan pa ng mga pulisiya kung may foul play na naganap sa pagitan ng magkasintahan o wala."

Itinuon ng camera ang lense nito sa loob ng sasakyan. Imahe na tilang nababaliw na dalaga ang ipinakita ng camera. Puno ng dugo ang mga kamay at damit ng dalaga, nadungisan din ng pulang dugo ang magandang mukha nito at patuloy sa pag-ugoy ang dalaga sa katawan habang yakap-yakap ang mga binti.

"Twinkle, twinkle, little star… how I wonder what you are…" inuusal ni Lucy at habang kumakanta ay patuloy sa pag-tulo ang mga luha galing sa nanlalaki sa takot na mga mata.

ღ(。◕‿‿◕。)ღ

Sabrina's Musing Corner: BOOOO! Hahaha... Kailangan din namang ipahinga ang utak sa nakaka-nosebleed na FA at FTA :) Sana nag-enjoy keo ^^ pasensiya na sa mga hindi na-relate sa kuwento hehe ^^ Para sa baliw na babae ginamit ko si Flare Corona... I hate Flare!