Text Message.

Dahil lang sa isang text na wrong-send.. nagkagulo na ang mga tao.

Matatawag na sequel para sa kwentong "Ang Dakilang Epal".

-

Introo.


"Oh, Iruka, iniwan mo yung klase mo? Sigurado ka bang hindi magkakagulo yung mga yun?", tanong ng isang nakatatandang babae.

-

"Hindi naman po siguro sila magkakagulo.. mababait po ang Edison ngayon.. Siya nga po pala, eto na po yung report ko.", iniabot naman ng kausap niyang lalaki ang isang folder na puno ng papel, siya si Iruka, adviser ng 2-Edison.

-

"Anong bang problema? Bakit na-late ka ng pagpasa ngayon?", eto naman ni Tsunade, principal ng Konoha High.

-

"Nahirapan po kasi ako sa description ng mga estudyante eh.", napakamot ng ulo si Iruka.

-

Sumandal si Tsunade sa upuan niya at kumunot ang noo,. "5 taon mo nang ginagawa yan.. bakit ka naman nahirapan?"

-

Ngumiti si Iruka. "Kakaiba po kasi yung mga estudyante ngayon Ma'am."


Ang Konoha High. Isa sa mga pinakarespetadong high school sa bansa.. palibhasa, hindi pa nakikita ng mundo kung ano ang tunay na kulay ng mga estudyante dito..

-

"EDISON!! ANO BA!! SECOND WEEK PALANG NATIN, ANG GULU-GULO NIYO NA!! MAHIYA NAMAN KAYO!!", sigaw ng isang dalagang may pulang buhok at makapal na salamin sa mga kaklase niyang nagkakagulo sa homeroom period nila.

-

"Nagsalita naman ang anghel...", bulong naman ng isang binatang may kulay sky-blue na buhok sarcastically habang patuloy na nagi-istrum ng gitara.

-

"May sinasabi ka ba Suigetsu?!", sigaw nanaman ng maingay na redhead at naglakad ng padabog papunta sa tinatawag niyang 'Suigetsu'.

-

"Wala. Ang sabi ko, maganda ka na sana Karin.. maingay ka lang.", oo, Karin ang pangalan ng girl.

-

"Pwes, ikaw, gwapo ka na sana, ang gaspang lang ng ugali mo!"

-

"Wag nga kayong magulo..", singit ng isang binatang ehem..mas malaki..ehem,,, sa kanilang dalawa.

-

"Juugo, wag ka nang sumali.. baka mabingi ka pa kay Karin eh,..", sagot ni Suigetsu.

-

At nagbangayan sina Suigetsu at Karin. Habang si Juugo, ayun, nanood nalang.

-

Ito ang homeroom period ng 2-Edison. Tama nga naman si Karin, second week palang nila, nagkakagulo na ang lahat. Well, maliban nalang sa dalawang nilalang na nananahimik sa likod.

-

"Gaara, anong oras na ba?", tanong ng ating heartthrob na kilala bilang Uchiha Sasuke, ang pinakagwapong tao sa second year ngayon. Maliban pa dun, magaling pa to sa basketball at saksakan ng talino. San ka pa?

-

"9:45 na.. sandali nalang, makakalabas na rin tayo dito.", sagot naman ng redhead na may kulay berdeng mga mata. Gaara ang pangalan niya. Gwapo din at marunong magbasketball. Basta sa halos lahat ng bagay, magkapareho sila ni Sasuke.. kaya nga close sila eh.

-

"Sabi na nga ba eh.. maaasar lang ako dito sa Edison..", bulong ni Sasuke habang sumasandal sa armchair niya.

-

"Naaasar ka lang kasi absent si Sakura..", naka-smirk namang sagot ni Gaara. "Bakit nga ba absent yun?"

-

Kumunot ang noo ni Sasuke. "Hindi ko nga alam eh."


Sa kabilang classroom naman..

-

Halos mabasag na ang mga bintana sa ingay ng mga estudyante. Eto naman ang 2-Pauling.. kung nagkakagulo ang Edison, ibahin niyo ang section na to.. Iisipin ngang riot ang nangyayari dito eh.

-

Ang mga bangko, nakakakalat lang, ang teacher's table, nasa gitna na ng kwarto.. parang dinaanan ng bagyo ang room.

-

"Patugtugin niyo na!!", sigaw ng isang blonde na may kulay asul na mga mata habang umaakyat sa teacher's table.

-

"Alin ba Naruto, yung number 1 o yung number 5?!!", pasigaw na tanong naman ng kaklase niyang may kulay brown na buhok.

-

Ayan sina Naruto at Kiba. Ang mga PINAKA-maingay na tao sa buong Konoha High. Ano pa kaya kung pinagsama sila?

-

"Number 1 syempre!!", sigaw ni Naruto. Sumunod naman si Kiba at pinindot na ang CD player.

-

"Wooooo!!!!", sigawan naman ang iba pa nilang mga kaklase.

-

Nagsimula na ang intro ng kantang kilala bilang "Careless Whisper" at nagsimula nang magsasasayaw si Naruto.

-

"NA-RU-TO!! NA-RU-TO!!", paulit-ulit na chant ng mga estudyante habang gumigiling ang blondie sa ibabaw ng mesa, si Kiba naman, bising-bisi sa pagkuha ng video.

-

"Hindi kaya malugi ako? Mukha namang walang bibili ng video mo! Ang sagwaaaaa!!", pang-aasar ni Kiba habang abala pa rin sa pagrerecord.

-

Nagtawanan ang buong section.

-

"Andyan na si Sir!!", naputol ang kasiyahan dahil sa sigaw isang dalagang may mahabang blonde na buhok.

-

"SHET naman oh.. pa-chorus na eh!", reklamo ni Naruto at dali-daling bumaba sa mesa.

-

"Malapit na.. 15 seconds!", sigaw uli ng dalaga.

-

"Sandali lang Ino!!", sagot naman ni Kiba habang inaayos ang mga bangko, ang iba naman nilang mga kaklase, nag-aayos din ng ibang bagay.

-

"10 seconds!", paalala ni Ino habang papalapit ng papalapit ang adviser nila.

-

"Mga tao! Yung kurtina pa!!", natatarantang sigaw ni Naruto habang nakaturo sa gusot-gusot na kurtina.

-

"3 seconds!"

-

"UPO NA!!", sabay na sigaw nina Naruto at Kiba, at nag-upuan na ang lahat.

-

Dali-dali namang tumakbo si Ino papunta sa upuan niya.

-

Pumasok ang adviser nila sa kwarto. Lumingon-lingon siya sa paligid... kung titignan nga naman ang classroom, hindi mo mahahalatang may nangyaring shooting ng video kanina.

-

"Sigurado ba kayong wala kayong ginawang kalokohan kanina?", tanong ng adviser nila habang dahan-dahang nilalapitan ang CD Player ng klase sa likod.

-

"Yung CD Player pala! Nandun pa yung CD!", bulong ni Naruto kay Kiba.

-

"Putek. Patay tayo.", sagot naman ni Kiba.

-

"Naku sir Ibiki, wala po. Kanina pa nga po namin kayo hinihintay eh.. Diba?", sabi ni Ino in her sweetest voice.

-

"Opo sir!", sabay-sabay na sagot ng iba pa nilang mga kaklase.

-

Sa tindig palang ng adviser nila, matatakot ka na.. siya si Morino Ibiki, ang pinaka-kilabot na teacher ng Konoha High.. swerte nila Naruto no?

-

Lumapit pa lalo si Ibiki sa CD player. "Sigurado kayo?"

-

"Nakakahalata na si Sir..", bulong ni Naruto.. kabadong-kabado na siya ngayon.. pano ba naman, eh siya lang naman ang pasimuno nito..

-

"Plan B.", bulong ni Kiba. Naalala na rin sa wakas ni Naruto na may back-up pala sila. Ngumiti si Naruto at binunot ang cellphone niya. Nagpipipindot siya sandali at maya-maya, nag-ring ang isang cellphone.

-

Natigilan si Ibiki, tumalikod siya at dumiretso naman si teacher's table. Kinuha niya ang cellphone niyang nag-ri-ring mula sa drawer.

-

"Sandali lang ah. May tumatawag lang.", lumabas si Ibiki dala ang cellphone niya.

-

Nakahinga narin ng maluwag ang 2-Pauling. "Naruto ah. Muntik na tayong sumabit dun!", sigaw ni Kiba habang naglalakad papunta sa CD Player.

-

"Naku. si Naruto pa.", dagdag naman ni Ino.

-

"Hahaha. Tama si Ino.. ako pa. eh ako yata si Mr. Universe!", natatawang sabi ni Naruto sabay posing.

-

"Mabuti nalang at hindi nakita ni Sir itong CD.", bulong ni Kiba habang tinitignan ang CD cover na may picture ni Katrina Halili.


Mula sa pinakamaingay na section.. pumunta naman tayo sa pinaka-behaved.

-

.....

-

SILENCE.

-

Ito ang 2-Marconi. Parang simenteryo sa katahimikan.. mali pala.. hamak ingay ng simenteryo sa section nila.

-

Ang dalagang nakaupo sa pinakaharap ay si Hyuga Hinata, ang pinsan ng school vice president. Kulay violet ang buhok niya, habang ang katabi naman niya ay si Aburame Shino, naka-suot ng shades sa hindi malamang dahilan at may kulay itim na buhok..

-

Sa likod naman ni Shino ay si Sai. May itim siyang buhok at itim ding mga mata.

-

Hmm..

-

Okayy..


"Alam mo ba, nung bakasyon, nagpunta kami sa Baguio tapos..."

-

"Zzzzzzz"

-

"Pumunta pa nga kami dun sa SM dun eh.. tapos.."

-

"Zzzzzz"

-

"Yung hotel na tinuluyan namin.. grabe, asar na asar na si Gaara.. ang lamig daw kasi eh.."

-

"Zzzzz"

-

"HOY, SHIKAMARU, NAKIKINIG KA BA?!?!"

-

"Ha? Ano yun? May sinasabi ka ba Temari?"

-

Yan sina Shikamaru at Temari, siguro naman kilala niyo na sila.. si Temari ay isa sa mga myembro ng volleyball team, si Shikamaru naman ang pambato ng Konoha High sa mga interschool competition.

-

Ito ang 2-Dalton. Puno ng mga taong laging kasali sa mga contest.

-

"Hoy, pwede ba, wag ka ngang sumigaw! Ang ingay mo eh!", sabi ng isang babaeng may dark pink na buhok mula sa likod. Tinignan siya ni Temari.

-

"Bakit ba nakikialam ka, ha Tayuya?!", nilapitan ni Temari si Tayuya.

-

"Bakit ba ang ingay mo?!"

-

"Ang angas mo ah!"

-

"Ang daldal mo!"

-

At nagsagutan ang dalawa. Habang si Shikamaru.. tulog nanaman.


Ayan ang mga sophomore ng Konoha High. At sa taong ito, magsisimula na ang bagong kabanata ng mga buhay nila. Siguradong puro kalokohan nanaman ang aatupagin nila..

-

Sa hindi pa malamang dahilan, 3 araw nang hindi pumapasok si Haruno Sakura. Ano kaya ang nangyari dun?

-

Ang 2-Pauling naman, hanggang kailan kaya makakalusot ang mga batang yun sa mga teachers na nagbabantay sa kanila..?

-

Marami pang tanong. Pero tsaka nalang natin alamin ang mga sagot, total, Prologue/Intro palang naman to eh.


A/N. So ayun. Intro palang ng aking bagong story.. gusto ko sanang i-update yung "Ang University" kaso.. kulang sa inspiration eh. and review nalang kung type niyo yung kwento para ituloy ko siya. :D salamat po.