A/N: My first Wolf's Rain fic, made on around fifteen minutes before my Math 17 final exam. Sana magustohan niyong lahat! :D

Makamit ang Inaasam

Oneshot

Sa ilalim ng buwan, mistulang nilalang buhat sa ilaw ng mga bituin at libu-libong luha ng langit na naglaglagan mula sa nalahong mga ulap, siya'y tumindig upang pagmasdan ang layo ng aming tatahakin pa upang makarating sa Paraiso.

Sa ilalim ng buwan, ako'y napamahal.

Isang iglap, isang tingin, isang tibok ng aking puso na wari kalabog ng kampana sa loob ng aking dibdib. Maaaring sa una'y hindi ako naniwalang mayroong pag-asa pa sa mundong ito, ngunit may dating sa kanyang pagkatao na naghihikayat sa aming mga lobo tulad niya na sumunod, tumakbo, lumaban upang makamit ang paraisong inaasam.

Habang tumagal ang panahon ng aming paglalakbay, patuloy na lumalakas ang pagnanasa namin sa sinasabi niyang Paraiso. Paulit-ulit kaming nabibigo. Subalit, sa pagdating ng panibagong pagsubok, panibagong pait at sakit, lumalalim ang aming pagsasama.

Sa ayaw kong aminin, nagkaroon kami ng matibay na pagkakaibigan, nagkaroon ng mga alaalang hindi ko maipagpapalit sa mundo. Naisip kong tuloy na hindi pagkabigo ang aming walang humpay na paglalakbay.

Sa ilalim ng buwan, napansin kong masayang naghahabulan sina Toboe at Hige habang hinihintay ay pagsibol ng bagong umaga. Sa ilalim ng buwan, napagmasdan ko si Kiba na tahimik na kumakain ng aming munting hapunan sa araw na iyon, ang kanyang mukha at katawan lubos na kumportable kumpara sa mga nagdaang gabi.

Waring naramdaman niya ang tindi ng aking titig at biniyayaan ako ng isang sulyap ng tunay niya ngiti bago nanumbalik sa kanyang pagmumunimuni.

Naramdaman ko na ang tunay na Paraiso.

WAKAS

A/N: Apologizing for any typos I've missed. I get clumsy while typing in Filipino. Hope you enjoyed! POV btw, was Tsume's, if you've read the summary.