Author's Note: Itong storyang ito ay naganap after 3 years mula nung timeskip. Ibig sabihin, kung ano yung age nila ngayon sa manga ay +3 na. Gets? Kung Gets nyo na (at kahit kung hindi nyo pa gets) sisimulan ko na yung storya.

Atsaka nga pala, I don't own Naruto ok?

Side-notes: Dito po sa fic na ito, ang mga pairings ay NaruHina, ShikaIno, NejiTen, at SasuSaku. Opo, Si Sasuke ay nakapaghiganti na kay Itachi at ngayon ay isa na siyang mamamayan ulit ng Konoha. Yun lang po. Enjoy!!!!

Italics Iniisip

-------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 1: Ang Paghahanda

Isang magandang umaga ngayon sa Konoha at ang isang taong itatago natin sa pangalan na Uzumaki Naruto ay kumakain ng pork ramen bilang kanyang breakfast. "Wow, kahit kelan at kahit anong oras napakasarap talaga ng ramen. Kaya mamayang tanghalian, miso ramen naman ang aking lunch para medyo maiba naman. Baka kasi tumaas pa yung cholesterol level ko kung puro baboy eh." Ang sabi ng blondie. Pagkatapos nang kanyang breakfast, nagpasya muna siya na maglakad-lakad sa eber-labing village of Konoha.

Sa kanyang paglalakad ay nakita ni Naruto ang isang lalaking nag-eensayo ng kanyang mga Jutsus. Siya ay walang iba kung hindi si Uchiha Sasuke, ang missing-nin nuon na ngayon ay isang genin pa lamang dahil ang binigay na parusa sa kanya ni Tsunade-sama ay bawal siyang sumali sa Chuunin Exams ng limang taon. Pero ok lang naman yun kasi kung tutuusin, napakagaan lang ng kanyang parusa kumpara sa ibang mga missing-nin sa ibang mga hidden villages. Swerte siya kasi napakiusapan ni Naruto, Sakura, at Kakashi si Tsunade-sama na babaan lang ang parusa kay Sasuke.

"Magandang umaga Sasuke." Maligayang bati ni Naruto sa kanyang kaibigan.

"..." Lang ang sagot na natangap ni Naruto dahil tila ba nag-kokoncentrate si Sasuke.

"Hoy sabi ko magandang umaga." Mas malakas na na wika ni Naruto.

"Hindi mo ba nakikita na nag-eensayo ako?" Naiinis na tanong ni Sasuke sa kanyang friend.

"Ba malay ko bang nag-eensayo ka, eh nakaupo ka lang naman diyan sa damohan." Aniya.

"Bobo ka talaga, ang tawag dun ay concentration." Mas naiinis na sagot ni Sasuke.

"Anong bobo, hindi ako bobo noh." Galit na sabi ni Naruto.

"Oh sige, kung hindi ka talaga bobo, spell concentration." Nangingisi niyang sinabi kay Naruto.

"Ah, eh, C-O-N-S-E-N-T-R-A-Y-S-H-O-N, oh ano? Naispell ko di ba?" Proud na proud na sabi ni Naruto.

May isang malaking sweatdrop ang namuo sa ulo ni Sasuke bago siya nag-salita. "18 years old ka na pero hanggang ngayon hindi ka pa rin marunong mag-ispell nang tama? Anong ginawa mo nung anim na taon akong nawala?"

"Grrr, nag-training ako ng nag-training. Gusto mong patunayan ko sa iyo ngayon din?" At binigyan niya si Sasuke ng death glare.

"Bring it on." Sagot naman ni Sasuke habang nagbibigay din ng death glare kay Naruto.

Sumugod na lang bigla sina Naruto at Sasuke patungo sa isa't isa. At nung halos tatlong metro na lang ang layo nila sa isa't isa, biglaan nalang silang tumigil, nagtaka silang dalawa kung bakit hindi nila ma-kontrol ang sarili nilang katawan.

Lumabas sa may damuhan ang isang lalaking mukhang tamad na tamad sa buhay na isang Chuunin examiner na nag-ngangalang Nara Shikamaru. "Ang aga-aga tapos nag-aaway na kaagad kayo? How troublesome naman. Nag-aksaya pa ako ng chakra para lang itigil ang walang kwenta nyong laban."

"Wag ka na nga lang maki-alam!!!!" Sabay na sigaw ng dalawang taong gusto ng makipaglaban.

Kinansel na ni Shikamaru ang kanyang jutsu dahil sa lakas ng boses ni Naruto at Sasuke.

Pero nung ikinansel ni Shikamaru yung kanyang jutsu ay tumalikod na lang si Sasuke at nag-lakad na lang papalayo.

"Hoy Sasuke, hindi pa tapos ang laban natin." Sigaw ni Naruto.

Tumalikod si Sasuke at sinabi nyang, "Talagang hindi pa tapos yung laban natin kasi hindi pa naman nagsisimula eh."

"Aha, ang sabihin mo duwag ka lang. Gusto mo daanin na lang natin sa paramihan ng ramen na makakain oh." Ang challenge ni Naruto.

'Total hindi pa naman ako kumakain tsaka gutom na gutom na ako...' Sige, pumapayag ako. Basta ang matalo ang magbabayad ng pagkain."

"Sige ba, tara sa Ichiraku." Sabi ni Naruto habang kumaripas na ng takbo si Sasuke. "Hoy, hintay!!!!"

"How troublesome." Sabi ni Shikamaru sabay sunod kay Naruto.

----------------------------------------------------------------------------------------------

Makalipas ng 15 minutong kainan challenge...

"And the winner is Naruto." Bored na sabi ni Shikamaru.

"Pano ba yan Sasuke? Talo ka na, ikaw ba ang magbabayad." Nang-iinis na sabi ni Naruto.

"Hmph, binagbigyan lang kita noh." 'Alam ko na nga kasing ramen and pagkain na kahit kailan ay hindi aatrasan ni Naruto ay pumayag pa ako.' Iniisip ni Sasuke.

"Burp, busog na ako." Sabi ng blondie na tila ba ay satisfied na satisfied sa kanyang nilapa este kinain.

Habang ine-enjoy pa ni Naruto ang kanyang pagka-panalo at pagkatalo ni Sasuke, dumaan si Hyuuga Neji sabay bati..."Magandang umaga, anong nangyari dito?" Sabay tingin sa patong-patong na mga mangkok sa harapan nina Naruto at Sasuke.

"Tinalo ko lang si Sasuke sa challenge ko sa kanya." Pagmamayabang ni Naruto.

"Paramihan ng makakain na ramen, anong klaseng challenge yun." Sabi ni Neji na parang walang emotion.

"Wala ka nang paki dun noh." Sumbat ni Naruto.

"O sya sya." Wika ni Neji dahil ayaw niyang mapaaway kasi baka tanggalin sya sa pagiging Jounin. "Siya nga pala, sumama nga kayong tatlo sa akin kasi daw may mission na ibibigay si Tsunade-sama sa atin."

Itinango na lang nina Naruto,Sasuke, at Shikamaru ang kanilang mga noo at sinundan na lang nila si Neji.

-----------------------------------------------------------------------------------------------

Nung nasa office na ni Tsunade ang apat na maitatawag na rin nating mag-babarkada dahil sa kanilang rivalry friendliness, sinabi ni Tsunade na ang mission nila ay isang S-Rank mission, ang pinakadelikado sa lahat ng apat na ranks ng mga mission.

"Ang misyon nyo ngayon ay bantayan ang isang feudal lord. Siya ay nasa Konoha ngayon at gusto niyang bumalik sa Iwa sa Earth Country ng ligtas. Gaya nga ng sinabi ko, isang feudal lord ang inyong babantayan kaya ako'y nagdagdag ng ibang mga ninja para tumulong sa misyon na ito. Ayun sila oh." Sabay turo sa may pintuan.

"Hello Sasuke-kun." Bati ng medic nin na si Haruno Sakura.

"K-kamusta ka n-na N-Naruto-kun?" Nahihiyang tanong ng isang babaeng may kaparehas na mata ni Neji, si Hyuuga Hinata.

"Yosh, handa na ako para sa misyong ito." Wika ng isang babae na parang tomboy na ang pangalan ay Tenten.

"Make-up check, blush on check, lipstick check. Ayos kumpleto na." Wika ng yellow haired kunoichi na si Yamanaka Ino.

"Okay, ngayong ayos na ang lahat, ipapakilala ko na sa inyo ang ating kliyente, si Mr. Tagakuchi."

Ang pumasok sa pintuan ay isang ordinaryong lalaking halos 22 years old lang. At laking gulat nila dahil ang suot nung daimyo ay isang ordinaryong t-shirt lang at pantalon na hindi mamahalin.

'Parang medyo bata pa siya kumpara sa mga ibang feudal lord na nakita ko. At ibang-iba ang damit nya kumpara sa ibang mga daimyo.' Ang nasa isip ni Shikamaru.

"Hello sa inyong lahat, ako si Shimeji Tagakuchi." Sabi ng napaka-peaceful looking na daimyo. "Marahil nagtataka kayo sa aking hitsura di ba? Kaya ganito ang get-up ay para hindi mahalata na ako'y isang daimyo. Kaya kung pwede ay Shimeji na lang ang itawag nyo sa akin. Ayaw ko kasi ng masyadong pormal."

"Ngayong magkakakilala na kayo, sasabihin ko sa inyo kung bakit kayong walo ang aking pinili na kumuha ng misyon na ito. Unang-una sa lahat, si Shikamaru ay magaling mag-devise ng strategy. At si Sakura naman ang magsisilbi nyong medic-nin. Habang sina Neji at Hinata ang maaaring mag-scan ng inyong lugar. Kailangan nyo din si Ino para sa inyong surveillance at si Tenten para sa long range attacks. At kasama nyo rin si Naruto at Sasuke dahil isa sila sa mga pinakamalalakas na ninja ng Konoha. Ang mamumuno sa grupo nyo ay si Neji at Sakura dahil silang dalawa lang ang Jounin sa inyong squad. Naiintindihan nyo ba ako?" Tanong ni Tsunade.

"Opo" Sabay-sabay na wika ng mga ninjas.

"Teka lang, kung nagpapa-escort ka sa amin, paano ka nakarating dito sa Konoha, at ano ang kailangan mo dito?" Biglaang tanong ni Sasuke.

"Limang Jounin ang nag-bantay sa akin ngunit sa kasamaang palad, lahat sila ay nasa Konoha Hospital ngayon na nagpapagaling dahil sa tindi ng mga injuries na tinamo nila." Malungkot na ipinahayag ng daimyo.

"Gulp. G-Ganoon ba s-sila k-kalakas?" Kinakabahang tanong ni Hinata.

"Wag kang mag-alala Hinata, poprotektahan kita ng maayos." Masayang wika ni Naruto.

Dahil sa sinabi ni Narutong iyon ay naging sing-pula ng kamatis si Hinata.

"Hindi mo pa sinasagot ang tinanong ko sa iyo kanina, ano ang pakay mo sa Konoha?" Malalim na tanong ni Sasuke.

"Kaya ako nandito sa Konoha ay para pumirma sa 'Treaty of Alliance' ng Iwa at Konoha." Sagot ni Shimeji.

"Tama na ang usapan, bibigyan ko kayo ng isang oras na maghanda para sa misyon. Pag-tapos ng isang oras ay mag-kitakita tayo sa gate ng Konoha." Utos ni Tsunade.

To Be Continued...

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ano, maganda ba? First fic ko lang toh so pede bigay naman kayo ng tips at suggestions para sa ikagaganda ng storya ko. Malamang ang fic na ito ay tatagal lang ng mga 5-10 Chapters kasi nga begginner lang ako.