Disclaimer: Hindi ko po pagmamay-ari ang Naruto. Kung sakali man ay hindi ko na po pipilitin ang sarili kong gumawa ng istorya dito sa website na ito.
Mensahe galing sa may akda: Dapat po talaga ay sa English category 'to kaso nga lang ay hindi ako ganun karunong dahil nasanay ako sa pagta-tagalog sa bahay. Mother tongue ko na po kasi ito so wala na po akong magagawa dun. Mabuhay ang mga Pilipino!
"Ang Bespren ko…"
by: Moonlyte
Tayong mga tao, lalo na tayong mga Pinoy e kilala sa pagiging friendly at hospitable. For some instances, yung mga friends natin particularly yung mga bestfriends natin e dun pa mismo nagmumula yung unang pagtibok o pagtama ni kupido ng arrow sa mga puso natin. Di ba nga kaya natin sila naging matalik na kaibigan dahil sa pagiging maunawain nila at pasensyosa kahit minsan ay kamuntikan na natin silang patayin dahil sa kanilang stupidity o dumbness sa iba't-ibang mga pagkakataon?
Sometimes, we found ourselves na dumbfounded sa mga kawirdohang ginagawa nila. Pero kahit ganun sila e mahal na mahal pa rin natin sila 'di ba? As friends? Or as lovers?
Tunghayin natin ang pagkakaibigan nila Sakura't Sasuke at ang kanilang mga adventures sa labas at loob ng eskwelahang punong-puno ng excitement. Haay……Highschool Life nga naman……
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
LUNCH TIME…11:45 am
"Oi, gising! Natulog ka na naman sa klase ni Sir Gain oh?" sabi ng ating raven haired guy na kilala natin sa tawag na Uchiha Sasuke.
As usual, itong pink-haired na babaeng ito e tulog na naman dahil sa pagwa-YM (Yahoo Messenger) nito buong gabi. Bakit ba ganun tayong mga kabataan? Madalas nasa internet para lang makipag-chat sa kunsinu-sinong nilalang sa mundo maski alien, pinapatulan na rin natin para lang may maka-usap. Haaaay…teenage life nga naman oh!
"Bakit ba, bubulyawan mo na naman ba ako? Kitang ikaw lang naman yung ka-chat ko buong gabi e masama na yun." sabi ni Haruno Sakura na nag-uunat sabay hikab sa kanyang upuan katabi lang ng kay Sasuke.
"Hmph…halika na nga, lunch na tayo sa canteen nagugutom na ako." giit ni Sasuke sabay hila sa kamay ni Sakura papuntang canteen. 'Hay naku, ano bang gagawin ko sayo Sakura'
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
FLASHBACK…KAGABI…
darkwing: Oi pink princess up 4 a chat? ; )
PiNk PrinCess: K. Ano na naman yun: P
darkwing: Kasi, me tanong lng me sayo…
PiNk PrinCess: Baket me gusto ka bang malaman saken? Wat iz it? Dali, tulog pa me!
darkwing: Eto ummm…pano ko ba sasabihin to sayo…ummm
PiNk PrinCess: ANO BA! Bilisan mo nagagalit na si Mama saken para matulog na 'ko!
darkwing: Sakura, marunong ka bang manligaw?
PiNk PrinCess: Uuuuuy, me nagugustuhan na yung bestfriend ko. Teka cnu ba ung lucky girl na un?
darkwing: Ayoko nga sabihin! I'm shy…
PiNk PrinCess: Oi di bagay sayo maging shy, kapal nga ng mukha mo e. Pero ano ka ba? Wat are bestfriends for kung di mo sasabihin saken. Besides pogi ka, matalino, magaling sa sports ano pa ba ang hanap ng isang babae sa guy?
darkwing: Oi Sakura, puro panlabas yung sinasabi mo a! Wala bang panloob? How do ppl think of me?
PiNk PrinCess: Patay ka dyan Sasuke, siguro tingin nila sayo e suplado, mayabang, outcast, mahiyain at…
darkwing: TAMA NA! Sama mo talga Sakura!
PiNk PrinCess: Kc naman magbago ka na kasi bespren! Kung gusto mo ma-inlab yung girl sau e maging mabait ka, yun lng! Dagdag pogi points din yun noh!
darkwing: BAKET?!?! Mabait naman ako sau a!
PiNk PrinCess: Sus, sa akin lang kasi matagal na tayong magkaibigan since pagkabata! Naalala ko pa nung una tayong magka-kilala, nakita kitang pinapaliguan ng kuya mong si Kuya Itachi na gigil na gigil sa yo dahil sa kakulitan mo kaya sumabay na rin akong maligo sayo sa bath tub nung maliit pa lang tayo.
darkwing: Sobra ka na! nakalimutan mo na bang me mga readers tayong nagbabasa ng istorya! Kakahiya! Sabagay…kita-kits na lang bukas ha! Good night bestfriend!
PiNk PrinCess: Oi, di bagay sa'yo infairness, sige bye sweet dreams…
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BACK TO REALITY…SA CANTEEN…
Hirap na hirap ang dalawa sa paghahanap ng mauupuan para makakain na sila. Pano ba kasi e andaming nagpapa-autograph sa binata papasok pa lamang ng canteen. Parang Hollywood actor ang drama ng mga babaeng schoolmates siya na nagtitilian at naksama na rin doon ang Biology teacher nilang si Ms. Kurenai na panay ang pisil sa pisngi nito na animoy isang pagka-cute na cute na teddy bear habang pumapasok sila sa Science Laboratory. (Iba na talaga 'tong si Sasuke oh! Ang tindi ng kamandag! Parang HUMAN MAGNET!)
Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan at…HAYUN! May bakante na ding upuan para sa dalawa. Bigla nilang sinunggaban yung mga upuan, takot na baka may magtangkang umupo dito. Kawawa naman yung upuan, napirat na dahil sa pagsunggab nung dalawa…gawa kasi yon sa plastic e Orocan ang brand. Tapos nun, umupo na yung dalawa at nagbukas na ng mga baunan.
Si Sasuke kinuha yung baon niya sa bag habang si Sakura nagdala ng pera at pumipila parin hanggang ngayon sa canteen para lang mag-order ng pang-lunch.
"Sasuke anong ulam mo?" sabi ng isang lalaking itatago na natin sa pangalang Usumaki Naruto.
"Baket inggit ka? Ano bang ulam mo?"
"Si Tandang Jiraiya kase yung nagluto kaya yun prito na naman, buti nalang dumating si Ate Shizune at binigyan pa niya ako ng sabaw." proud na sabi ni Naruto emphasizing the word sabaw.
"Kawawa ka naman pala, tignan mo tong ulam ko, Nilagang baka with matching dessert. Ano inggit ka?" sabi ni Sasuke na ngumingiti na nagpapahiwatig ng mga salitang 'Talo ka ano?'
"Yabang mo talaga Uchiha!" galit na nag-walk out si Naruto papa-alis.
Hay, salamat dumating na din si Sakura dala-dala ang pang-lunch niya.
"Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay sayo. Tignan mo lumalamig na tuloy yung ulam ko." inis na sabi ng kaibigan niya. Halata namang na-pissed off na siya sa kahihintay sa dalaga. "Dahil sa ginawa mo penge ng ulam mo."
"Sige na nga, diet ako ngayon e. Penge rin ng dessert mo ha?"
"Okay." Sabay ngiti ni Sasuke sa dalaga
'Paano ko ba sasabihin sayo na ikaw ang mahal ko…'
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Wala lang po gusto ko lang po i-share yung mga gawa-gawa kong happy moments ng dalawa kaya ko to isusulat. Grabe ang pagka-adik ko sa Naruto ngayon.
Happy Moment no. 1
"First meeting"
Nasa labas ng bahay ang batang Sasuke habang naglalaro ng tagu-taguan kasama ang kuya niyang si Itachi.
"Kuya asan ka?" tanong ng batang Uchiha
Habang hinahanap ng batang si Sasuke ang kanyang kuya ay napadulas ito sa lupa as katatakbo at sumalpak sa may putikan na siyang kural ng mga baboy nila sa backyard.
"KUYA!" sigaw ng batang Sasuke habang pinag-pipyestahan ng mga barako. Halos mangyak-iyak yung bata sa sobrang pagkatakot sa mga barako na mas malaki pa sa kanya nung mga panahong iyon. Gawin ba sa'yo yun nung bata ka pa?
Dalidaling sinundan ng misteryosong bata yung ingay na yun.
Nakita niya ang isang batang ka-idad niya na nagsisisigaw sa sobrang takot sa mga baboy.
'Ano ba tong batang 'to, baboy lang e takot pa.'
Siguro sa sobrang ka-kyutan nung bata ay pinag-lamyerdahan ng mga baboy ang mukha nito para mamana narin ng mga magiging anak nila yung ka-kyutan ng batang ito.
Biglang lumusong sa putikan ang batang babae para sagipin ang naghihingalong bata at iniahon ito sa putikan papunta sa bahay nito. (Teka lang, bakit alam niya yung bahay?)
"Bata, anong pangalan mo?" sabi ng batang Sasuke na namumula sa sobrang hiya dahil iniligtas siya ng isang babae.
"Sakura, ikaw anong pangalan mo bata?" tanong ng babae
"Ako nga pala si Sasuke, salamat sa pagligtas mo sa akin ha!" sabay ngiti ng matamis sa batang si Sakura habang ang kanilang katawan ay napapalibutang ng putik.
"Oi Sasuke, anong nangyari sayo?" biglang tinanong ng kararating lang na si Itachi. Nakita niya ang kapatid niya na para nang si Blakdyak sa kulay kaya hindi na niya napaigilang ilabas ang tawa.
"Ano ba kuya! Sobra ka na ha! Ayyy…kuya eto nga pala si Sakura bago kong kaibigan na nagligtas sa akin sa mga baboy." sabay turo ng kanyang maliliit na daliri kay Sakura, ang bago niyang kakilalang kaibigan.
"Sakura halika at tumuloy ka na rin sa bahay at maligo, salamat nga pala sa pagligtas sa baklita kong kapatid ha! Ako nga pala si Itachi, Kuya Itachi nalang ang itawag mo saken kasi mas matanda ako sa inyong dalawa e." may ngiting sinabi ni Itachi sa batang si Sakura.
"Salamat po kuya Itachi…" nahihiyang sagot ni Sakura habang hinihila ni Itachi ang kamay nung dalawa sa banyo.
"Kuya…" sabi ng batang si Sasuke habang gigil na gigil si Itachi na kinukuskos ang likod nito ng dahan-dahan.
"Bakit Sasuke?" tanong ng kapatid habang kinukuskos ang mga likod nila Sakura at Sasuke gamit ang bagong safeguard Deocologne.
"Hindi ako BAKLA!"
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"End of CHAPTER 1"
Mensahe galing sa may akda: Haaay salamat! Tapos na ang chapter 1. BITIN BA KAYO??? SORRY HA! Hehehehe, nagtataka ba kayo kung bakit oras ng lunch na agad ang usapan dito sa isoryang ito? Kasi habang kumakain ako sa classroom e sinusulat ko 'to. Share ko lang! Tapos yung baon ni Sasuke, yun din yung baon ko nung araw na iyon! What a coincidence!
By the way nga pala review naman diyan para maka-abante na ako sa sunod kong chapter which will be released next week so sana may isang may ginintuang puso ang mag-review kahit anonymous review pa yan, I accept!
SORRY kung masyadong, OOC (Out of character) ang kwentong ito ha! Pagbigyan niyo na ako total birthday ko naman sa susunod na mag-update ako. See you Soon!
Suggest naman kayo kung anong mangyayari sa next chapter. Let me know!. Flames are highly welcomed in this fic!
Your average Filipino writer,
Moonlyte
