Disclaimer: I do not own Naruto. It's that simple.
Helow! Alam ko hindi pa tapos ung isa kong fic.. Kaso napupuno na ung memory ng cel ko dahil sa mga kowts.. kaya gusto ko sanang i-share sa inyo.. tsaka parang masaya pg sa ganun ako kukuha ng mga theme ng kwento ko, hindi ako mauubusan! Hehehe.. Tsaka maiiksi lang naman ang ggwin ko..
Walang kaugnayan ang bawat chapter sa mga susunod pa.. This fic is like a collection of "txtfics" (gumawa ng sariling tawag e noh..) aba! Sayang naman ang mga kowts ng pinoy!
Review naman kayo oh.. pti sa mga iba kong fics ha! Tignan nyo na lang sa profile ko. Pero ung profile ko mismo wag nyo na tignan xe walang kwenta un.. ung mga kwento na lang ha.. Review po! Salamat!
1 message received
"Minsan iniisip ko…
kung pwede lang sanang 'wag na magmahal…
para lang wag na masaktan pa…
kaya lang, pwede ba un?
Eh makita lang kitang nakangiti,
handa na akong masaktan ulit…"
Haruno Sakura's POV
Bakit ganun? Napakamanhid nya. Hindi ba nya nahahalata ang nararamdaman ko? Sa tagal ng panahong magkakilala kami at magkasama, alam kong hindi kaila sa kanya ang nararamdaman kong ito.
Pero bakit di man lang nya ako bigyan ng sapat na atensyon? Bakit kahit anong gawin ko, di nya ako mapansin ng higit pa sa magkaibigan? Bakit kahit anong gawin kong pagbabago sa sarili ko, wala pa ring nangyayari? Nasasaktan na ako ng sobra! Ano bang problema nya!
Minsan tuloy iniisip ko… kung pwede lang sanang 'wag nang magmahal… na magpakamanhid na lang para wala nang maramdaman pa… para wag na masaktan pa… kaya lang napapag-isip isip ko rin, pwede ba un? Napaka-imposible ng iniisip ko!
Natigilan ako sa pagsesenti dahil tinawag ako ni Sasuke. Oo, naging malapit na rin kami sa isa't isa dahil sa mga misyon na pinagdaanan ng team namin. Masakit mang isipin ngunit hanggang dun na lang talaga siguro yun. Pero masaya pa rin ako dahil kahit papano ay natuto na rin si Sasuke ngumiti.
"May bago daw tayong misyon, Sakura. Tawag tayo ni Sir Kakashi."
"Ha? Ah, oo.. Anjan na.." mejo balisa ko pang sagot.
"Sige, antayin na kita dito.."
Saglit pa akong natigilan sa sinabi ni Sasuke. At saglit ko ding nasilayan ang maamong mukha ng minamahal ko.
"O bakit?" nagtataka niyang tanong nang mapansin ang paghinto ng mundo ko.
"Ah.. ano ulet ung sinabi mo?"
"Sabi ko aantayin na kita. Sabay na tayo pumunta kay Sir Kakashi."
"Talaga?"
"Oo naman."
"Salamat Sasuke.." namumula ko pang sabi.
"Wala yun.." sagot ni Sasuke nang nakangiti.
Napangiti na rin ako.
Habang inaayos ko ang mga dadalhin kong gamit, naisip ko. Napaka-imposible nga talaga... Paano ba naman, eh makita ko lang siyang nakangiti eh handa na akong masaktan ulit…
Tapos na! Reviews po! Salamat!