###################

100 Reasons Why I Love Tomoyo Daidouji

###################

Kasalukuyang akong nasa bahay, isang bagay na hindi mapaniwalaan nina Nakuru at Spinel Sun, at nakasubsob sa isang malaking conundrum. Sa isip ko, minsan gusto kong magalit sa mga guro naming na akala ay hindi natutulog ang kanilan mga estudyante.

Maya-maya'y nakarinig ako ng ngisi sa likod. Nakatayo si Nakuru at naka-fold ang dalawang kamay. Sa likod ng kanyang ngisi, alam ko na kung ano ang pang-aasar na gagawin niya.

"I can't believe it. Ang campus heartthrob na kilala sa pagiging busy sa mga extra-curricular activities ay nandito na sa bahay ng alas-sais ng gabi. Anong milagro ni Clow Reed ang nangyayari?"

"Gumagawa ako ng essay, Nakuru," ngitngit ko, pilit na izinozone out ang nakaririnding tawa ni Nakuru.

Lalong tumawa si Nakuru, tila hindi makapaniwala sa aking mga sinabi. Biglang sambit nito, "mani na lang ang essay para sa isang makapangyarihang tao tulad mo, Clow Reed."

"May hangganan din naman ako bilang isang tao, Nakuru," sagot ko ng mahinahon. Ang aking mga mata ay naka-focus pa rin sa aking maliliit na kurbadang sulat.

1.) She's beautiful.

2.) She's a loyal bestfriend.

3.) She's a kind person.

4.) A caring friend

5.) A down-to-earth angel.

6.) She's a sweet woman.

7.) … And a loving daughter too.

8.) She's a witty lady.

9.) A multi-talented student.

10.) And not to mention, a straight-A student

11.) She's an aristocrat

12.) … But she never boasted of her wealth.

13.) She sings very well.

"Pabasa nga," pangangantiyaw ni Nakuru at akmang babasahin ang aking isinusulat. Dagli ko kaagad na tinabunan ng ibang mga papel ang aking essay at sumigaw ng, "huwag mo muna akong guluhin."

Itinulak ko ang babae palabas ng aking kwarto at mabilis na ikinandado ang pinto. Ang huling bagay na gusto kong mangyari ay may ibang taong makabasa ng aking ginagawa. Bumalik ako sa aking upuan at inilabas muli ang aking work-in-progress.

Halos i-umpog ko na ang aking ulo sa mesa kaiisip ng isusulat. Ilang beses ko na ring nabigyan ang sarili ko ng mura o di kaya'y words of encouragement pero tila taksil ang aking utak at hindi nito gusto ng kahit na anong kooperasyon sa akin. Alam ko rin ang kahihinatnan kapag tuluyang pinagtaksilan na ako ng aking utak: ang hindi makapagpasa ng essay at makatanggap ng isang malaking F.

Tinitigan kong muli ang mga enumerated sentences na siyang magsisilbing guide para sa aking essay. Umalingawngaw sa akin ang paalala n gaming guro na dapat naglalaman ng 100 ideya an gaming mahabang essay. Hindi ko alam kung pinaglalaruan na lang ako ng aking imahinasyon pero may ilang segundong nakita ko ang aking mga isinulat na paliit ng paliit.

Eriol, kalma lang. Dugo mo.

Ipinikit ko ang aking mga mata ng saglit at napabuntong hininga na lang ako sa aking kinauupuan. Sa dami-dami ng possibleng maging topic ng isang personal essay, hindi ko alam kung anong dumapong sakit sa utak ko at si Daidouji ang naisip kong gawan ng

Kasi halos perpekto siya eh. Madali kang makakapag-isip ng 100 reasons – I tried going back to my justification. Exaggerated pakinggan pero that's how I see her. Perfect. Isa sa mga hypotheses ko ay kaya siya nandito ay dahil sa kinainggitan siya ng mga anghel sa langit kung kaya't tinulak siya pababa dito sa lupa. Gusto kong gulpihin ang sarili ko. It sounds so good pero realistically speaking, mahirap ipaliwanag lalo na't isulat.

14.) In my eyes, she's a perfect woman

Nilagyan ko ng asterisk ang number 14. Pinaikot-ikot ko ang aking swivel chair habang nakatitig ako sa kisame ng aking kwarto. Sa isip-isip ko, sinusubukan kong bigyan ng pep talk ang sarili ko – na okay lang ito at mananatiling sikreto ang aking essay dahil si Ma'am lang naman ang makakabasa; kung makikita man ni Tomoyo ay siguradong makakapagpaliwanag ako ng maayos at maiintindihan niya ang lahat ng ito; at dapat makaramdam siya ng flattery dahil hindi naman ako yung taong mahilig mambola at sa porma ng essay na ito ay nakalibre siya ng pambobola mula sa akin.

Habang nasa gitna ako ng paulit-ulit na pep talk sa sarili ay biglang tumunog ang aking cellphone. Malumanay ang ringtone ko na Chopin Nocturne Op.9 at No.2 na ako pa mismo ang pumili at nagdownload mula sa aking laptop. Nakita kong lumitaw ang litrato ni Tomoyo Daidouji, isang nakaw na selfie sa aking telepono. Nangangapa kong sinubukang patigilin ang tugtog pero hindi ko alam kung sadyang niloloko ako ng mga anghel at hindi ko ito mapatay. Gusto ko naming bigyan ng palugit ang sarili ko dahil kabibili lang kahapon ng cellphone na ito, isang accidental purchase gawa ng dalawa kong alaga.

Dalawang araw nang nakararaan ay nagtungo ako sa grocery at pag-uwi ay inabutan ko ang dalawa kong alaga na nag-aaway sa sala. Hindi ko rin alam kung ano ang kanilang pinag-aawayan.

"Nakuru, pahiram kasi!" sigaw ni Suppi habang pilit na kinukuha ang aking black and white phone sa kamay ni Nakuru. "Bakla ka! Akin na yan!"

"Kapal ng mukha mo, tae ka!" rumesbak si Nakuru. "Iyo ba ito? Iyo ba ito? Di naman sa iyo ito eh! Asa!"

"E hinde rin naman sa iyo yan eh." Sabay batok kay Nakuru. "Kay Master Eriol yan!"

Hindi pumayag si Nakuru na batukan na lamang siya ng isang maliit na halimaw. Binatukan rin niya si Suppi. "Panget ka!"

Sinubukan ko silang pigilan pero nagsimula na silang magrambulan. Nagkaroon na ng mga sapakan at sabunutan habang nagbabatuhan sila ng masasakit na salita. Napabuntong hininga na lang ako.

Ang mga sapakan at sabunutan ay nauwi sa wrestling kung saan ginamitan na rin nila ang isa't isa ng Choke Slam at Master Lock hanggang sa nadaganan ni Nakuru ang aking black and white phone na halos tumagal sa akin ng tatlong taon. Nakatikim ng sermon ang dalawa pero pagkatapos ng ilang oras ay pinalagpas ko na lang ang lahat.

Tinitigan kong mabuti ang bago kong cellphone na may ilang features na hindi ako pamilyar - may camera, may video recorder, sound recorder, at iba't ibang applications at games. Napakamot na lang ako ng ulo sa dami ng features ng aking bagong unit na hindi ko alam ang pangalan sapagkat si Tomoyo ang pumili. Alam niyang ignorante ako pagdating sa gadgets.

"Wala ka ba talagang balak bumili ng bagong cellphone?" tanong ng dalaga sa akin habang naglalakad kami, di alintana ang dami ng tao sa paligid at maiilaw na tindahan. Napalingon ako sa kanya at napangiti. Madalas na naming gawin ang sabay na umuwi kahit alam naming dalawa na maraming mga mata ang nanlilisik dahil tila parang ayaw ng mga tao sa paligid na magkasama kaming dalawa.

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Bagamat may pera akong pambili ng cellphone, hindi ko ito iniisip na isang importanteng bagay. Kung tutuusin, kaya kong magkaroon ng normal na buhay kahit walang cellphone. Instead, nagbato ako ng panibagong tanong. "Kamusta si Sakura?"

"Masaya siya sa Hong Kong at nasa iisang school din sila ni Syaoran. Madalas kaming magka-chat at pinadadalhan niya ako ng mga e-mails," mahinhin niyang sagot, "at huwag mong ibahin ang usapan. May balak ka bang bumili ng cellphone?"

"Meron," sagot ko ng marahan habang nakatingin sa kanya. Malaki rin ang ipinagbago ni Tomoyo sa loob ng limang taon. At hindi lamang pisikal na kaanyuan ang aking tinutukoy. Kung dati-rati'y siya ang kumukuha ng video, ngayon siya naman ang palihim na kinukuhaan ng video ng mga lalake sa school namin habang nagrerecite sa room o di kaya ay nagpapractice sa choir. Ilang beses ko na ring ginamit ang aking kapangyarihan bilang president ng student council upang pigilan ang mga lalake sa kanilang pagkuha at burahin ang mga ebidensya ng kanilang malisya.

"Anung unit bibilhin mo?" Umupo siya sa bench na malapit sa daan namin. Ang kanyang mga mata ay nakatitig sa maiilaw na stores sa paligid.

"Siguro ganun pa rin," ang tanging naisagot ko sa kanya at umupo sa tabi niya. "Anong unit nga pala yun?"

Di alintana ang malapit na distansya sa pagitan namin, sinagot niya nang may buntong-hininga ang aking tanong, "A4R? Eriol naman, Jurassic na yung model nay un. Phase out na nga pala yung model na yun. Yung medyo hi-tech naman."

"Okay na ako sa unit na yun," kaswal kong sagot. May katotohanan naman ang aking sinasabi dahil hindi ako mahilig sa mga cellphone na napakaraming ginagawa. "Basta makatawag at makatext lang ako."

Malakas na tawa na lamang ang tangi kong narinig sa kanya. Tinakpan niya ng kanyang mga kamay ang kanyang mukha. In her muffled voice, she said, "gusto kong ipagkalat sa buong campus na ang heartthrob ng school ay nagamit ng A4R model."

Dagdag na kantiyaw pa niya, "turn off yun."

"Hindi naman sikreto sa mga tao sa school kung anong model ang gamit ko." Pagtatampo kong sinabi, "Turn off ba yun? Praktikal lang ako na tao."

"Halika," anyaya ni Tomoyo sa akin. Agad niyang kinuha ang aking isang kamay at hinila papunta sa isa sa mga tindahan ng gadgets. May kaunting init ang kanyang kamay, taliwas sa malamig simoy ng dapithapon.

"Bakit?" Ito na lang ang tangi kong nasambit habang pinagmamasdan ang mahigpit na hawak niya sa aking kamay.

"Samahan kitang bumili ng cellphone," kumbinsidong sagot niya.

"Naku, Tomoyo," paganti kong sinabi. Ako naman ang mangangantiyaw ngayon. "Pag nakita tayo ng mga suitors mo, hindi na ako aabutan ng umaga niyan sa bahay."

Tumawa lang siya ng malakas.

"Baka nga mauna pa ako sa'yo at marambo ako ng fans club mo pag-uwi ko," pabiro niyang sagot.

"Ihahatid-sundo na lang kita sa bahay niyo para makasiguro tayo sa buhay mo," sakay ko sa biro niya.

Napangiti na lang ako sa nangyaring iyon. Madalas kaming magbiruan kung paano magseselos ang mga tao sa paligid sa aming closeness. Tinitigan kong mabuti ang selfie ni Tomoyo na nakabungad sa aking cellphone. Halatang kinuha niya ang litrato sa mismong oras na binili namin ang cellphone, bagay na hindi ko maalalang ginawa niya. Agad kong binuksan ang kanyang mensahe.

Eriol, tapos mo nab a yung essay sa English? Magsisimula pa lang ako dahil ginawa ko muna ang chem. homework natin. Can't think of a topic. :(

Sender:

Tomoyo Daidouji

+639xxxxxxxx

Pinindot ko ang reply button at mabagal na tinype ang aking mensahe sa touch screen phone ko. Halatang naninibago ako sa aking cellphone. Pakiramdam ko parang isang dekada na ang lumipas nang matapos kong i-type ang aking buong mensahe. Binasa kong maigi pero mabilis ang aking mensahe bago ito sinend, bagay na nakaugalian ko na sa tuwing si Tomoyo ang katext ko.

Heto, nagsisimula na ako. May writer's block ata ako. Chemistry homework? Tapos ko na yan kanina nung break natin sa school. Isip ka ng bagay na gustung gusto mo.

Mabilis na tumunog agad ang aking cellphone, isang patunay kung gaano kabilis magreply si Tomoyo.

Eriol, wala talaga. :(

Sender:

Tomoyo Daidouji

+639xxxxxxxx

Patay tayo dyan. Sa tagal na naming magkaibigan ni Tomoyo at sa ilang taon na magkasama kami, alam ko na hangga't hindi ito busy ay kukulitin niya ako hanggang antukin kaming dalawa. Lalo akong nangamba para sa aking essay at sa napipintong deadline nito.

Isip ka. Napakarami mong pinagkakaabalahan – photography, fashion designing, etc. Pumili ka na lang ng isa sa mga iyon.

Mabilis kong sinend ang aking sagot at sinubukang i-focus ang sarili sa ginagawang essay. Natanto ko na masyado ko yatang ginerenalize ang mga ideas ko kaya ngayon, nauubusan na ako ng mga salita para i-describe tong si Tomoyo. Tumunog uli ang cellphone ko. Sinubukan kong huwag pansinin para maipagpatuloy ko na ang ginagawa ko kaso di ko mapigilang mapatingin sa litratong lumalabas sa screen sabay ng tunog ng aking cellphone. Napabuntong-hininga kong kinuha ang cellphone ko at binasa ang mensahe ni Tomoyo.

Sige, nakaisip na ako ng topic. Baka tungkol na lang sa fashion designing or something. I'm gonna think of something later, don't worry. Thanks, Eriol. xx Pero mamaya ko na gagawin yang essay. Mag-online ka muna sa chatmessenger. May ipapakita ako. :)

Sender:

Tomoyo Daidouji

+639xxxxxxxx

Kapag minalas nga naman ako. Lalo na't alam kong hindi ko kailanman matatanggihan si Tomoyo. Nakatikim na ako ng posibleng mangyari pag tinanggihan ko siya. Hanggang ngayon ay takot pa rin ako sa kanyang silent treatment. Alam kong may posibilidad na hindi ako nito kausapin buong araw at hindi ko kayang tiisin ang ganoong mga bagay. Ang tanging nasagot ko na lang sa kanya sa text ay isang simpleng ok.

Iniwan ko ang study table ko at dali-daling lumabas ng kwarto. Patakbo akong bumaba sa unang palapag ng bahay at nakita si Nakuru na nagamit ng laptop.

"Nakuru, ako muna," malumanay kong pakiusap. "Sige na."

Nagpatay-malisya lang ang nakaheadset na si Nakuru habang nagmumulti-task sa pagitan ng Matantei Loki Ragnarok at Tumblr habang hinihintay na magload ang isang Youtube video ng isang beauty care tutorial.

"Nakuru," sigaw ko. "Pasaglit naman sa computer."

Napalingon si Nakuru na tila ba naabala sa ginagawa. Tinanggal niya ang kanyang headset at sumagot ng, "Master Eriol, ikaw pala. Ano uli yun?"

"Pasaglit sana sa computer."

"Ok," ang tanging sagot ni Nakuru at tumayo siya sa kinauupuan nya. Nagbigay ito ng bilin, "pero please wag mo i-close yung Youtube."

Binigyan ko ng mental note ang aking sarili na bilhan ng sariling laptop ang aking dalawang alagad at nang hindi kami nag-aagawan sa aking laptop kahit bihira ko lang itong gamitin. Dalawa lang naman ang functions ng aking laptop: para sa mga assignments at para makausap si Tomoyo.

Tumango ako at umupo sa harap ng computer. Umalis si Nakuru at binuksan ko ang aking chatmessenger ko. Dali-dali kong nilog-in ung account ko. Sakto, online si Tomoyo.

tdaidouji: BUZZ!

Agad na lumabas ang isang chat box sa aking screen kahit na kakalog-in ko lang. Napaghahalataang inaabangan ng dalaga ang aking paglog-in.

eriolh: kaka-online ko lang

tdaidouji: haha!

eriolh: anu yung ppakita mo?

tdaidouji: ito

Binigyan niya ako ng isang link. Nagdalawang isip akong i-click ang link; nakarinig ako dati ng balita na may mga anomalous links na pinadadala sa mga emails at chatboxes at pag pinuntahan mo yun ay magkaka-virus ka.

eriolh: anu yan?

tdaidouji: click mo!

Binuksan ko ang link na binigay nya at tumambad sa aking ang isang litrato nya na may suot ung oversize shades. Cute ang isa sa mga salitang pumasok sa aking isip. Pumasok din sa isip ko ang kalokohang maaari ko itong i-print at ibenta sa mga suitors niya. Paniguradong kikita ako ng libo. Pero nanaig ang paninindigan ko na hindi ako gagawa ng kalokohan lalo na't may kinalaman kay Tomoyo Daidouji.

tdaidouji: BUZZ!

tdaidouji: anu masasabi mo?

eriolh: ok lang.

tdaidouji: ok lang?

eriolh: oo.

tdaidouji: yun lang masasabi mo?

eriolh: fishing for compliments.

tdaidouji: bihira kitang maringgan ng compliments.

eriolh: di pa ba enough ang mga compliments ng fans club mo?

tdaidouji: theirs don't matter.

tdaidouji: uhm…

tdaidouji: nakagawa ka na ba ng essay?

Nanlaki ang aking mga mata nang maalala ko ang aking ginagawang essay. Hindi ko na alam kung dapat bang paninindigan ko ba ang topic ko, lalo na't nakaka-labing apat pa lamang ako na ideya. Nangangailangan pa ako ng walumpu't anim na ideya mula sa mga makapangyarihan. Sa mga ganitong oras, gusto ko nang dayain ang humanity at gamitin ang kapangyarihan ko bilang si Clow Reed pero sumagi sa aking isip na isa itong pandaraya. Tiningnan ko ang orasan sa aking laptop: 11:50 P.M.

Tinamaan na. Walong oras na lang at kalahati ang natitira sa akin para tapusin ang mala-encyclopedia na essay na pinagagawa sa amin at ang pinakamasaklap na sitwasyon ay nasa brainstorming stage pa rin ako.

tdaidouji: BUZZ!

eriolh: nasa brainstorming stage pa lang ako.

eriolh: ikaw?

tdaidouji: wala pa. As in blank.

eriolh: mag-isip ka na kaya ng topic.

tdaidouji: wala pa akong maisip.

tdaidouji: isipan mo nga ako. :)

eriolh: bakit ako?

eriolh: dapat ikaw ang nag-iisip ng topic mo.

At umabot sa tatlong oras ang chat namin online. Sa kalagitnaan n gaming kwentuhan ay naglaro na rin kami ng chess online kung saan matatalo ko si Tomoyo. Napalilibutan na ang kanyang king ng aking queen, dalawang bishops at tower. Alam ko na ang kahihinatnan ng aming laro: isang malaking checkmate.

tdaidouji: BUZZ!

tdaidouji: daya mo.

eriolh: anong madaya dun?

tdaidouji: baka ginamitan mo ng kapangyarihan ang larong ito.

eriolh: LOL

tdaidouji: ERIOL!

eriolh: ?

tdaidouji: may naisip na akong topic!

Napapikit ako ng mata't napabuntong hininga. Tiningnan kong muli ang orasan sa laptop: 2:50 A.M. Sa loob-loob ko, nagbubunyi ako dahil sa wakas ay matatapos ko na ang aking essay. Kahit nakararamdam na ako ng antok ay kinurot ko ang aking kamay para pigilan ang sariling makatulog hangga't di natatapos ang aking assignment. Alam kong mapapagalitan ako ng aking teacer kapag wala akong naipasa. May posibilidad na mas malala pa sa F ang ibigay sa akin.

eriolh: at anu naman ang topic mo?

tdaidouji: fashion designing

tdaidouji: :)

eriolh: good. Mag offline ka na para masimulan mo na

tdaidouji: yup.

tdaidouji: salamat Eriol.

eriolh: walang problema.

tdaidouji has signed out.

At nag-offline na rin ako. Bumalik ako sa study table ko habang sinundan ng tingin ang pagdamba ni Nakuru sa naiwang laptop na para bang matagal na nawalay sa kanyang irog. Pagbalik ko sa aking kwarto ay dinatnan ko ang aking work-in-progress. Andun pa rin ang papel na may ilang nakasulat.

15.) She never fails to make me smile.

Marahan kong sinulat ang aking ilabinlimang pangungusap. Ipinikit kong saglit ang aking mga mata habang nag-iisip ng mga ideya. Nang iminulat kong muli ang aking mga mata, tumambad sa akin ang isang essay na may labinlimang ideya at ang orasang nagsasabing 7:20 A.M. na. Nanlaki ang mga mata ko nang wala sa oras. Dali-dali akong tumayo sa upuan ko, ipinasok ang papel ko sa bag at dumiretso sa banyo para maligo. Pakiramdam ko ang paghahabol ko sa oras nang pumasok ako sa aming silid-aralan na pawisan (bagamat naligo ako). Dali-dali kong nilapag ang bag ko sa ilalim ng desk. Nang matanaw ko ang upuan ni Tomoyo ay nakita ko itong natutulog sa kanyang desk. Nakasisiguro akong hindi siya natulog para sa essay.

Masusi kong kinalkula ang aking oras hanggang sa oras ng aming English class, ang huling klase para sa araw na iyon. Alam kong kaya kong isingit ang pagsulat ng final draft ng essay sa pagitan ng bawat klase. Habang lunch break ay pinagpatuloy ko ang nakaw na pagsulat ng aking essay habang kumakain ng sandwich. Pinabayaan ko na lang na matulog si Tomoyo sa aking tabi dahil alam kong puyat siya. Ang kanyang likuran ay nakasandal sa pader sa rooftop.

Nang oras na para isumite ang mga gawa, hindi ko maiwasang mangamba nang makita ko ang aking one-paged essay laban sa gawa ng aming ibang kaklase na para bang sampung pahina ang kapal.

###################

Ilang linggo ang lumipas ay bumalik sa dati ang lahat at ang delubyong hatid ng karimarimarim na essay ay tapos na. Hinintay ko si Tomoyo sa labas ng faculty room dahil sa ugali na naming sabay na umuwi. Bilang class representative, madalas ding utusan ng aming mga guro si Tomoyo.

Nang lumabas siya sa faculty room ay namumula siya. Binati niya ako sa pagtawag sa aking pangalan. "Eriol."

"Tara na?" yaya ko sa kanya at inabot sa kanya ang kanyang bag. Agad niyang kinuha ang kanyang bag at nagsimula kaming maglakas palabas ng campus. Sa gitna ng katahimikan ay bigla siyang nagsalita.

"Eriol, salamat ha," ngiti niya sa akin.

Napakunot ako ng noo. "Salamat saan?"

"Sa lahat," ang tanging vague na sagot niya sa akin na lalong nagpakunot ng aking noo. Para baliin ang tension, nagbiro ako sa kanya. "Magpapalibre ka no? Tara, libre kita ng kape."

Kinuha ko ang kanyang kamay tulad ng pagkuha nya sa aking kamay noong bumili kami ng aking cellphone. Hindi ko pinansin ang kunot ng mga noo ng mga kalalakihan sa aming eskuwelahan na nakakita.

Pagkarating namin sa labas ng isang cafe ay nagtanong muli si Tomoyo. "Kamusta ang essay mo?"

Muling nagbalik sa aking alaaala ang delubyong pakiramdam ko habang pinapasa ko ang aking papel. Ang tanging nasagot ko na lang sa kanya ay, "okay naman. Maikli lang. Kung papalarin baka makatanggap pa ako ng B-. Kung hindi niya magustuhan, siguradong E or F."

Natawa na lang si Tomoyo na pinagtakhan ko.

###################

Hindi niya alam kung ano ang mas malalim na kahulugan sa aking pasasalamat. Higit sa pagkakaibigan ang nais kong ipabatid sa kanya.

Hindi ko talagang sinasadyang mabasa ang kanyang essay na mayroon lamang labinglima ideya nang mautusan ako ng aming guro na ayusin ang mga essays na aming isinumite.

I'm running out of words although these can't really describe her beauty within. 100 reasons? It all boils down to one reason: Why do I love her? The obvious and most logical answer would be simply because I do and I really love her.

FIN

May-akda (2015): Sinulat ko ang fanfic na ito noong Summer ng 2006 kung saan ang hype pa noon ay Friendster at Yahoo Messenger kung kaya't pagpasensiyahan niyo na. Binago ko ang ilang mga sites para umakma sa taong 2015. Di naman na ako umaasa na kapag lumipas muli ang sampung taon ay ito pa rin ang mga hype na pinagkakaabalahan ng mga tao.