Tanga

-aPpLecHeRrY-

One shot lang. Kinailangan ko lang matangal 'to sa utak ko. Bigla bigla na lang kasi sumusulpot eh, nakakainis. Orig na nga pala 'to. Hindi edit lang tulad nung isa kong ginawa…

Bahala na kayo kung anong pairing tingin niyo dito, mukha kasing lahat pwede eh. ShikaIno dapat siya actually, kaso nung binasa ko ulit, sabi ko, bahala na! Lahat naman ata ng tao makakarelate dito eh. Dapat ata sa FictionPress ko 'to i-post. Kaso, ala akong account dun eh!

Standard disclaimer apply.Pagpasensyahan na rin poh ang format. Nakakainis kasi magformat nang matino eh!

Tip: If you can, listen to Stonefree's 'Sayang' while reading for better effects.


Andito ako, nagmumukmok

Ayaw lumabas ng kwarto

Ilang araw na rin ang nakalilipas

Mula nang pilitin nila akong ilabas sa kulungang ito

Walang wala na nga ako

Pero ayaw ko

Ang tanga ko

Dati, sa t'wing magkukwento ako tungkol sa kanya

'Hay naku' ang palagi mong sambit

Sinabi mo pa noon, wala akong mapapala sa kanya

Pero nakinig ba ako? Hindi

Marami pang nasayang dahil sa kanya

Kung sana nakinig lang ako sayo nang mas maaga

Ang tanga ko talaga

Kinalimutan ko siya't napalapit ako sayo

Gaano ba ako nabulag para di ka makita?

Pinilit kong punan ang mga pagkakamali ko

At sa maikling panahon

Ang mundo mo'y mundo ko na

Pilitin ko man, hindi na ako makawala

Katangahan ko talaga

Ngayong nagkaroon ako ng lakas ng loob para humarap sayo

Ngayon mo pa kinakailangang umalis

Aalis nang walang kasiguraduhang makababalik pa

Kung kaya ko lang isigaw ang sakit na nararamdaman ko

Upang marinig mo't baka magdalawang-isip kang magpatuloy

Pero hindi ko nagawa, hanggang bulong lang ako

Napakalaki kong tanga

Matalino ka, alam ng lahat iyon

Pero bakit pinabayaan mong mangyari lahat ng ito?

Bakit hindi mo ako hinintay na magtapat sayo?

Bakit hindi mo hinayaan suklian ko ang pagmamahal mo?

Alam mo naman ang lahat ng ito di ba?

Pero pinalampas mo lang

Tanga ka rin pala

Heto ako ngayon, pinagsisisihan ang lahat

Hindi na magiging tayo kahit kailan

Palagi kitang nakikita, malungkot akong pinagmamasdan

Sa t'wing aabutin kita, naglalaho ka

Sa t'wing yayakap ka, di man lang ako mahawakan

Ngayon tayo'y nangungulila

Sa sarili nating katangahan

Lahat sila'y pilit akong pinakawalan

Sa kulungang gawa nating dalawa

Ayokong umalis, wala akong pupuntahan

Kaya ko bang lisanin ang mundong minsan nati'y ginalawan?

Ano ba ang nangyari't nagkaganito lahat?

Di man ginusto, ito ang kinalabasan

Dahil sa isa't isa, kami'y naging...

...Tanga


Corny? Creepy? Magulo? Sappy? OA? Ano? Review ha!

Ewan ko ba kung ba't naisip ko ito bigla. Nagtatawanan pa nga kami ng kapatid ko nung pumasok 'to sa kokote ko eh! Ineenjoy ko lang ang buhay kasi tapos na yung exams tapos wala pa yung results. Pag dumating na kasi yun, baka mas madrama pa dito ang magawa ko.

Unexpected talaga 'to. Ambilis ko pa ginawa. Haaay... Review naman dian oh!

LuvLotS,

-aPpLecHeRrY-