Etong kwento na ito ay tungkol sa adventura nila Kyo at ang iba pa. Yung ibang episode sa Samurai Deeper Kyo ay inedit ko. Sari-saring genre ang nakapaloob dito gaya ng romance, humor, and action/adventure. Pagpasenyahan nyo na o itong story ko dahil ito palang ang ikalawa kong story sa Pasensya na rin po dahil may ibang English dito dahil sa hindi ko alam kung anong tagalong ng ibang words eh..pero Hope you guyz enjoy reading my story!

When their path crosses

Chapter 1: Walang katapusang bangayan

Si Kyo at ang mga kasamahan nya ay kasalukuyang humahanap ng isang bayan at lugar na pwede nilang tuluyan. Mahigit tatlong oras na silang naglalakad ngunit sa kasamaang palad wala pa rin silang mkakitang bayan. Habang naglalakad sila nakaramdam ng pagod ang paa ni Yuya.

"Kyo, pwede bang huminto muna tayo'y magpahinga muna. Ang sakit na ng paa ko sa kakalakad." Sabi ni Yuya. Kitang kita sa kanya na pagod na siya.

"Oo nga Kyo, kanina pa tayo naglalakad magpahinga muna tayo.." sabi ni Benitora na ngayo'y hinihingal.

Si Kyo na kasalukuyang nakatalikod kina benitora at yuya ay humarap sa kanila.

"Mga pabigat talaga kayo. Hindi tayo pwedeng magpahinga. Gusto ko ng makabalik sa tunay kong katawan upang makaharap kong muli ang mahinang si Kyoshiro. At pag nangyari yon lahat ng mga kaaway ko gaya ni nobunaga ay mapapaslang ko ng isa-isa! Haha!" Tumawa si Kyo ng napakalakas at dahil dun uminit na naman ang ulo ni Yuya.

"Ano ka ba Kyo! Hindi mo man lang inisip ang kalagayan namin! Nakakainis ka talaga" Sasampalin na sana ni Yuya si Kyo kaya lang naunahan sya at napigilan ni Kyo ang kamay nya

"Wag mo tangkaing sampalin kundi baka kung ano gawin ko sayo!" sabi ni Kyo. Galit na galit na sya ngayon.

"O Sige nga kung matapang at lalaki ka talaga samapalin mo nga ko? Bakit di mo magawa dahil sa babae ako? kala ko ba may isang salita si Demon Eyes Kyo yun pala panakot lang pala niya" Hinamon ni Yuya si Kyo

SLAP!

"KYO!" napasigaw si Benitora, Yukimura at Sasuke

Sinampal nga ni Kyo si Yuya. Napatigil si Yuya at napatingin sa mga mata ni Kyo. Mangiyak-ngiyak na si Yuya nung oras na yon

Ang pulang matang yan. Di ko yan makakalimutan. Ang laging nagpapahirap sakin. Di talaga kita mapapatawad Kyo!'

"Ano masakit ba? Yan ang sampal ng isang Demon Eyes Kyo." Ang sandaling yon ang mga mata ni Kyo ay nagpapahiwatig na wala syang pinagsisihan sa ginawa nya kay Yuya.

"Ang sama mo talaga Kyo! Isinusumpa ko yan ang huli mong sampal sakin! Hinding hindi ako magpapatalo sa isang katulad mo na napakayabang!" Sinigawan ni Yuya si Kyo at harap harapan nyang pinakita na galit na galit sya kay Kyo at di na ni Yuya mapigilang umiyak.

"Kyo ano ka ba? Bat mo ginawa yun kay Yuya! Di mo na sya nirespeto!" then Benitora grab Kyo's shirt and obviously parang hinahamon nya si Kyo

"Benitora tumigil ka na nga dyan. Walang magagawa ang init ng ulo mo." Aniya ni Sasuke.

"Pasalamat ka at pinigilan ako ni Sasuke" Binitawan na ni Benitora si Kyo. Tiningnan lang ni Kyo si Benitora na parang wala yang pakielam

"Ako magpapasalamat sayo. Ako, Si Demon Eyes Kyo. Nagpapatawa ka ba?" sabi ni Kyo at tumawa na naman ito.

"Aba't-"

"Tama na!" susuntukin na sana ni Benitora si Kyo pero di ito natuloy dahil kay Yuya

"Tama na nga yan. Umalis na tayo dito at maghanap ng matutuluyan at para matigil na ang kahambugan ng isa dyan" halatang pinariringgan nya si Kyo

"Oh pano.Tara na!" sabi ni Yukimura gaya ng inaasahan naka-smile pa ito.

well, wala tayong magagawa eh smiling face talaga yang si Yukimura

Naglakad muli sila papunta sa hinahanap nilang bayan. Pagkatapos ng ilang minuto pa ng paglalakad dumating na rin sila doon at nakahanap ng matutuluyan. Si Yukimura na ang nakipag-usap doon sa may-ari ng Inn tungkol sa pagtuloy nila doon. Pagkatapos non ay tumuloy na sila at nagpahinga sa kani-kani lang silid.

Sa silid ni Yuya…

"Hay naku! Nakakainis talaga yang mayabang na yan! Sya ang pinakamayabang, hindi marunong makisama at hambog na taong nakilala ko! Naku! May araw rin sa kin yang Kyo na yan!" sabi ng inis na inis na si Yuya

Dahil sa inis ni Yuya kay Kyo naisip nya na maligo na lang sa hot spring ng Inn para mabawas bawasan yung init ng ulo nya.

"buti na lng at may hot-spring dito" Masayang pagkasabi ni Yuya

Agad-agad na nagpalit si Yuya ng damit. Inilapag nya ang kanyang kimono, revolver at kunai sa iisang tabi. Pagkatapos nun ay lumusong na sya sa tubig.

"hay…Sarap talagang maligo sa isang hot-spring pagkatapos ng mahabang paglalakbay…" masayang masayang sinabi ni Yuya.

"nakakainip naman ang katahimikan dito sa paligid..Alam ko na kakanta na lang ako..ano ba yung umpisa nung kantang banyagang narinig ko?..ah..'coz why I don't understand, is why I'm feeling so bad now when I know it was my idea. I could've just deny the truth and lie. Why am I the only one standing stranded on the same ground" napa-smilke si Yuya sa kinanta nya.

Pero habang kinakanta nya iyon, nag-flashback sa kanya ang mga times na nagbabangayan sila ni Kyo. At ang nakapagtataka pa noon ay parang bumibilis ang tibok ng puso nya.

'ano ba tong nararamdaman ko? In love na kaya ako dun sa mayabang na yun! Hindi pwede! Nauntog lang siguro ako kaya parang nawawala ako sa sarili ko!' Yuya thought

Suddenly, Yuya heard some noise.

"Sino Yan?" patanong na sinabi ni Yuya. Medyo kinakabahan sya.

And then she saw a tall figure..medyo malabo pa noong umpisang kita nya..pero habang papalapit ito ng papalapit naaaninag na nya kung sino iyong taong yun.

"Di ko alam na maganda pala ang boses mo..Yuya" sabi ng taong iyon

"Kyo? Ikaw ba yan! Bakit ka nandito?" natunugan nya ang boses nito. At dali-dali nyangbinalutan ang kanyang sarili ng kanyang tuwalya.

"Ako nga. Nagulat ka?" Tanong ni Kyo at bigla na lng itong tumawa

"Bakit ka ba nandito! Bastos ka talaga! Di mo ba alam na may naliligo dito! Bastos!"

Slap!

Sinampal ni Yuya si Kyo. Pero para bang hindi nasaktan si Kyo sa ginawa nya.

"oh ayan nakaganti ka na. masaya ka na?" Sabi ni Kyo kay Yuya

"KYO KAINIS KA TALAGA! Bakit ka ba talaga nandito ha? Para inisin ako? umalis ka nga dito!" galit na galit na sinigawan ni Yuya si Kyo

"Bakit ako aalis? Pag mamay-ari mo ba ito?..Tska masama bang maligo rin ang katulad ko? Wala ata akong alam na batas na bawal maligo ang isang katulad ko sa isang hot-spring? Kung gusto mo ikaw na lang ang umalis." Talagang natutuwa si Kyo pagna-iinis si Yuya pero kahit ang Katulad nyang parang walang puso ay nakararamdam rin ng isang feeling na di mo maipaliwanag.

"KYO! aalis na nga ko dito. Dyan ka na! Malunod ka sana dyan!" sumpa ni Yuya kay Kyo

"Pano ako malulunod dito eh ang babaw naman nito?" Sabi ni Kyo na ngayo'y ine-enjoy ang pagka-inis ni Yuya

"hmmph!" inisnab ni Yuya si Kyo at dali-dali nyang kinuha ang gamit nya at umalis.

"hahaha!" Tawa ng tawa si Kyo sa nangyari

Kinabukasan…….

Habang ang grupo ay kumakain sa hapag-kainan, napansin ni Benitora na iba ang ikinikilos ni Yuya nung araw na iyon.

pano ba naman hindi mapapnsin eh, kumakain si Yuya na para siyang mauubusan ng pag-kain ang bilis bilis nyang kumain? Syempre halata yun

"Miss Yuya, ok ka lang ba?" Tanong ni Yukimura habang tinititigang mabuti

Tumigil ng sandali si Yuya.

"ako? Ok lang ako!" Pasigaw na sinabi ni Yuya at bigla nyang tinitigan ng masama si Kyo.

"Hayaan mo yang babaeng iyan. Siguro napansin na rin nya sa wakas na ang payat-payat na nya. Nagiging malnourish na sya. Hahaha!" Asar pa ni Kyo

"anong malnourish ka dyan! Tumahimik ka nga dyan MISTER MAMBOBOSO!" kumukulo na ang dugo ni Yuya sa pinagsasabi ni Kyo sa kanya

"Anong sabi mo? AKO MAMBOBOSO? If I know naga-gwapuhan ka sakin noh?" ang pagtatanggol ni Kyo sa kanyang sarili

"Miss Yuya! Kyo! Tumigil na kayo" sabi ni Benitora habang pinipigilan si Yuya

"Naku eto na naman po tayo…….." sabi ni Sasuke at itinuloy na nya ang pagkain niya..


Maganda ba mga guys? Senxa na kayo sa gawa ko di kasi ako gnun ka imaginative pagdating sa ganito pero…I try my best naman eh…Senxa na rin kasi di pure Filipino to..

Pls. Submit your reviews!

On the next chapter it'll be Okuni/ Yukimura story