Paunawa: Hindi po ako ang may-ari ng Shaman King… okay ba sa alright?

So ito na ang katapusan… wow! Natapos ko na rin sa wakas…

Sige para matapos na talaga…

Heto na!

-----------------------------------------------------------------------------

Kabanata 17: Lalarga na!

Mahirap talagang masaktan…

Lalo na yung tipong wala nang naniniwala pa sa iyo… na kahit anong sabihin mo hindi sila maniniwala…

Kahit na ba totoo ang mga sinasabi mo…

Ngunit pano kung ayoko na talaga?

Mahirap magpanggap, mahirap ngumiti habang umiiyak at nagdurusa ka sa kailaliman ng puso mo…

Sana hindi ko na sila nakilala, sana nanahimik na lang ako, sana hindi ko na lang pinaaasa ang sarili ko…

Alam ko naman na hindi totoo ang lahat… ang pangarap, ang isang panaginip…

Nalugi rin ang mga prince charming at naghirap…

Mga lamang lupa na garapal sa dyamante ang 7 dwarfs…

Sinungaling ang mga fairy god mothers…

Ganyan talaga ang fairy-tale ng totoong buhay… walang happy ending.

Ayoko na silang makita… si Miss Jun o kahit sino sa mga taong akala ko ay tutulong sa akin noon. Magpapakatuntento na lang ako sa kuya ko, kay ate Tamao… sa mga tao na dati ko nang kilala… sila talaga ang pamilya ko.

Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang masaklap na panlalait ng mga tao, ang kanilang pangungutya na halos mahubdan na ako sa aking dangal…

Nakakaasar na talaga…

Nakakaasar ka talaga…

Ngunit kahit na nangangalit ako sa iyo… mahal pa rin kita… Ren…

Noon, ngayon, bukas… nakakatuwa talaga ang awit ng aking buhay, ng aking pag-ibig…

Paano ko haharapin ang bukas?

Babaunin ko ang lahat ng ating mga ala-ala, tatayo ako ng tuwid, titignan ko sila sa kanilang mga mata, at taas noo kong isisigaw…

"Papasada na! Megamall ibababaw… maluwag pa!"

--------------

Sumunod na araw nirentahan ni Yoh at Hao ang jeep nila Horohoro dahil pupunta silang lahat sa beach para maligo.

Natutuwa si Pirika habang pinapanood na sumakay ang lahat.

Naroon si Yoh at Hao na ingat na ingat sa kanilang prinsesang si Anna.

Si Tamao na nakaupo sa harap katabi si Horohoro.

Si Chocolove na dala rin si Nyorai, naalala tuloy ni Pirika nang bahagya si Ren.

Sumakay rin si Ryu at ang mga barkada niya, na kumuha ng karamihan sa espasyo.

Naroon rin sina Lyserg at Jeanne na halatang pinasama ni Yoh, mukha namang masaya ang dalawa… isang bagay na kinaiinggitan ni Pirika.

Naroon rin siyempre si Manta na pinasama rin ni Yoh, at napaupo sa harap sa tabi ni Tamao.

Pinasok na rin nila ang kanilang mga gamit at sangkaterbang pagkain.

------------

Sa mansyon ng Tao, hinahabol ni Jun si Ren na may dala-dalang bag at ngayon ay paalis na.

"Saan ka pupunta?" usig ng ate nito.

"Sa dagat. Kasama sina Yoh."

"Balita ko kasama daw ni Yoh yung kababata niya na kakilala rin ni Pirika … baka makita mo siya dun."

Napabuntung-hininga si Ren,

"Pipigilan mo ko?" Tanong ni Ren habang nakatingin ng masama kay Jun.

Nangiti naman ang ate nito at umiling.

"Papakawalan na kita aking kapatid. Patawarin mo ko kung ngayon ko lang napansin ito… sana'y maging maligaya ka sa kanya… sana maging masaya na kayong dalawa." Wika ni Jun,

Napangiti rin naman si Ren at tumungo.

"Sige alis na ko." Wika nito.

Pinanood lang ni Jun habang ang kapatid niya ay palabas ng bahay, bahagya siyang kumaway nang napalingon si Ren.

Lumapit naman dun si Pai Long at umakbay sa kanya.

Napangiti at namula si Jun sabay tingin sa lalaki.

"Tama ang iyong ginawa Miss Jun."

"Alam ko… salamat sa pagtulong."

---------

"Okay, layas na tayo. Beach na beach na ko." Wika ni Horohoro habang sumasakay na sa driver's seat.

Tinignan naman ni Pirika ang loob, kahit na sumakay siya hindi pa rin ito puno.

"Hay… hindi talaga ako sanay pag di puno ang jeep." Buntong-hininga ng dalaga. Naalala tuloy nito ang number one fan niyang si Lola… kung di malakas-lakas pa sana yung matanda e sana pinasama na nila.

"Buti naman at di pa puno. Di bale ako ang pupuno diyan." Wika ng isang lalaki.

Biglang bumulis ng pintig ng puso ni Pirika, kilala niya kasi ang boses na iyon. Paglingon niya… tama nga siya!

"REN!" Sigaw nito sabay yakap sa lalaki.

Nagulat ang lalaki sa biglang pagyakap ni Pirika, namula sandali at niyakap na rin ito.

"Namiss mo ko?" tanong ng lalaki.

"Sira ka talaga… paano pag nalaman ito ng ate mo."

"Okay na sa kanya. Atsaka wala naman siyang magagawa kung mahal na mahala na mahal na mahal kita di ba."

"Para kang sirang plaka." Natatawa at naiiyak na wika ng babae.

"UUUY." BIglang narinig ng dalawa.

Nang marinig nila iyon agad silang bumitaw at namula.

"Ang ganda niyong dalawa pagmasdan." Wika ni Yoh.

"Manahimik ka na nga diyan! May balak talaga kayong iwan ako noh! Akala ko pa naman kaibigan ko kayo!" sigaw ni Ren.

"Boss Ren! Buti naman at humabol kayo." Dagdag ni Choco.

"Manahimik ka rin dyan pwet ng kaldero ka! May balak pa kayong mang-iwan ni Nyorai ah!" sigaw ni Ren.

"Manahimik ka na nga at sumakay." Wika ni Hao.

"Putek naman… sige na nga!" sigaw nito sabay tingin kay Pirika.

"Mauna ka na sa loob."

Tinulungan ni Ren na makasakay si Pirika. Matapos sumakay ng dalaga ay sumunod naman si Ren.

"Okay ang lahat ay narito na! kaya let's go!" Sigaw ni Horohoro.

Kaya pinaandar na niya ang sasakyan at dumiretso na sila sa kanilang daanan.

Masaya ang lahat sa loob, nagkakantahan, nagkwekwentuhan at nagpapakasaya.

Hindi mo maiisip na parang kelan lang ang gulo-gulo nilang lahat at ang may dinaramdam na mga problema o pagsubok.

Talagang hindi halata… sapagkat nagyon pawang kaligyahan ang makikita sa loob ng munting jeep na iyon…

Buti na lang at naayos rin ang lahat… at sana nga sa kanilang mga susunod na pupuntahan ay maging maayos rin ang lahat…

(a/n: Awitin sa musika ng Trust you. Shaman king 1st ending song)

Ang hangin dahan-dahang, dumadaan sumuklay sa king buhok

(there's no place like you for me)

di pa rin nagbabago, tahimik pa rin ang paglubog ng araw…

kay gandang pagmasdan…

malayo ang tingin, ng isang taong nangangarap…

sige sumugod ka, wag ka lamang susuko…

xx

Minsan ako'y nag-iisa minsan ako's nasasaktan.

Gusto kong tumakbo yakapin ka at sabihin

Ngunit di ko ito sasabihin sa iyo ngayon…

Maghintay sa araw na katuparan ng pangarap mo

Naniniwala pa rin ako sa araw na iyon…

------wakas------

-------------------------------------------------------------------------------

Hay… tapos na rin itong kwentong ito… ang haba rin ah… 17 kabanata… at tagalong pa…

Sana po ay nagustuhan niyo ito… paki-review naman po pakiusap…

Sa mga hindi naman po nakakabasa ng tagalog… malamang hindi niyo rin mababasa ito ngunit susubukan ko pong gumawa ng English version ng jeepney… try ko lang po… basta…

Marami po muling salamat sa pagtangkilik at sana ituloy niyo pa po ang suporta niyo…

Maraming salamat!