Juice koooo! May Pinoy category na! Yaaaay! Re-uploading time weeee!

By the way, this is random insanity nga pala. Don't bother saying na OOC po…sinadya ko po yun. Sabi nila, Full House daw ang dating nito. Ewan. Mas pogi si Neji kay Justin no!

Without further ado, let's roll na to our telenovela...


itim na screen

Syao-chan ReProductions presents…

A film by Kodak films

Directed by Bb. Syao Chan K.Y.U.T

"Chicharong Flower"


Tenten: Ang buhay ng tao ay tunay na mahiwaga…minsan may mga bagay na nde kelangang malaman pero nalalaman…meron namang mga dapat malaman pero ang tagal bago naman nalaman. Ang tawag dun ay kabobohan. Pero di bale, nde ko na problema yun. Basta ako, may sarili akong buhay.

Ako nga pala c Tenecita Teneciente Da Sarapen. Tenten n lng, kung alangan kau sa binasbas na pangalan sa akin. Nag-iisa na ako sa buhay buhat nang aking ina ay nanlalaki at ang aking ama ay nanlalaki din. Wala na akong ibang aasahan kundi tatlong tao: me, myself, and I.

Sinusportahan ko ang sarili ko sa pamamagitan ng paglalako. Papaya sa umaga, bibingka sa gabi. Pero pinakamabenta sa akin ang nagmamantikang kasalanan na tinatawag nating chicharong bulaklak. Sabi nila, ang bulaklak ko ang pinakamalutong sa buong bayan ng Konoha. Hahanap-hanapin kumbaga. Sa pamamagitan nito ay nagawa kong makapagpatayo ng abang kubo na may Olympic-size swimming pool sa loob. Masaya na sana ang buhay ko at ala na akong ibang mahihiling pa, pero naganap isang araw ang pangyayaring makakapagbago ng lahat-lahat.

(eksena sa babuyan)

Tenten: (shocked) ANO! Namatay lahat ng mga baboy na pagkukunan ng chicharong bulaklak ko!

Lee: (lugong-lugo) Ikinalulungkot ko, Tenten. Malay ba naming kaya naubos ang mga pinamudmod naming Racumin sa bukid eh dahil inubos ng mga masisibang baboy na yun? Alam ko eto lang ang kinukunan mo ng hanapbuhay…

Tenten: Paano nyan? Hinuhulugan ko yung kubo ko sa bumbay. Pag nde ako nakapagbayad, iilitin nya ang nag-iisang tahanan ko!

Lee: Teka, alam ko na. May pwede ka pang pagkunan ng pang-chicharon mo. Mayaman yun, so cguradong pagbibigyan ka.

Tenten: Ikaw kc eh, sukat ba naming ipangpa-rebond mo lahat ng binayad ko para sa baboy mo eh…

Lee: At least sunod sa galaw cya ngaun di ba?

Tenten: Yeah…in fairness…

Lee: Eto, puntahan mo cya ngaun. Yan ang address nya. Eto naman cel. number nya; wag mo ipagkalat, ha?

Ako: Nagmamadaling pumunta ang dalaga sa address na nakalagay sa papel kc ala cyang load. Ngunit nang patawid nya cya ay…

(isang rumaragasang Pajero ang bumangga sa katawan ng babae, making her lose her balance. Nahampas ang rear nya sa kalsada at may naupuan cyang metal spike. Cnubukan nyang tumayo ngunit nauntog ang ulo nya sa bumper ng kotse. Napahiga cya sa daan nang nde oras)

May lumabas mula sa driver's seat.

Lalaki: Cyet! Napawisan ang headlights ko!

Tenten: Anak ng butete…salamat sa concern! (pilit na tumayo) Kala mo sa iyo ang kalsada kung magpatakbo ka ah!

Lalaki: Harang-harang ka kc eh.

Tenten: (uminit ang ulo) Ako pa ang may sala! Hoy, nde porke Pajero yan ay pwede ka nang magmataas! I bet smuggled lng ang parts nyan eh!

Lalaki: Paki mo?

Tenten: E di tama nga ako no?

Lalaki: (face dark) …

Tenten: Mabuti pa, tigilan na natin ang walang katuturang ututang-dila na ito dahil may hinahabol ako. Itabi mo na nga yang pajero mong pirated at naalibadbaran ako!

Lalaki: Sandali. Bayaran mo muna yang ginawa mong damage sa headlights ko.

Tenten: Teka nga, nde ba covered ng insurance yan? (slaps forehead) Oo nga pla, smuggled yan, natural ala nun.

Lalaki: Namumuro ka na ah… (looks at watch) Fota…

Tenten: Hoooy, kung ikaw nasasayang ang oras e di mas ako! Kayo talagang mga lalake, puro pasakit ang dala nyo sa buhay! Sana naging babae na lng c Noah! Sana naging bakla na lng c Adan! Punyeta!

Lalaki: Para sa isang babae, masyadong bulgar ka.

Tenten: Alangan naming magpaka-timtimang birhen ako eh muntik mo nang wasakin ang tadyang ko! Pasalamat ka lang at ala ako sa mood na pumatay ngaun. (shoves the lalaki away) Tabi!

Lalaki: (grabs her arm) Oi, babae…

Tenten: (turns around, eyebrows arched) Anong kelangan mo, lalaki? Tsaka hands off please!

(He smirked, and then cupped her face and gave her a sudden hard kiss on the mouth)

Lalaki: (Pulls away just as suddenly) Colgate.

Tenten: (face red) Shit ka, alam mo un?

Lalaki: (shrugs) Bayad ka na dun sa damage ng headlights ko. (enters the car and drives away)

Tenten: Bastos! Walang modo! Akala mo kung cno manghalik eh mas masarap pang sumipsip ng kamyas kesa makipag-torrid sa kanya! May araw ka den! (looks up at the late afternoon sky slowly being replaced by the night sky) BUKAS!

Ako: Samantala, dumating na sa wakas c Hyuuga Neji sa kanyang destinasyon.

Hinata: (twirls her wedding gown with her hand) K-Kuya Neji, sa wakas dumating ka na rin. Salamat at masisimulan na ang seremonya.

Neji: Kanina ka pa?

Naruto: (fixes his bow uncomfortably) Eight hours pa lang kami andito, KUYA.

Neji: Pakyu, sabi nang wag mo kong tatawagin nyan.

Naruto: Why don't you just receive the truth with spring insides?

Neji: …

Hinata: Sabi nya po, tanggapin nyo na lang ang katotohanan ng bukal sa loob. (nn)

Neji: Nde ako mangingiming ilakad ka sa altar kung ang pagbibigyan ko sa iyo eh yung pwede namang pagkamalang tao.

Hinata: Kuya Neji naman…

Kakashi: (stands up from the flower boys' aisle) Pwede na bang simulan ang kasal? Panis na yung handa sa reception eh.

Lahat: Game na!

Ako: Samantala uli, sa tahanan ng uutangan ni Tenten ng baboy…

Tenten: (stares at the abandoned house) Niloko ata ako nung kapal kilay na yun ah…

Lalaki 2: Alang tao jan!

Tenten: Nde nga.

Lalaki 2: Nasa kasal cla eh. Kung mahalaga yung sasabihin mo, puntahan mo na lang. (gives address)

Tenten: smiles gratefully) Salamat. Cge, tuloy na ako.

Lalaki 2: Hep, hep. Bayad muna. Binigyan kta ng impormasyon kaya kelangan mo ko I-compensate.

Tenten: Anak ng tikbalang… (tries to move away but her shadow is controlled by the Lalaki 2)

Lalaki 2: Well…?

Tenten: Utang muna, pede? Pag nakabili na ako ng chicharon ko bibigyan kta ng isang bilao.

Lalaki 2: (considers for a while, then nods) Pwede na…

Ako: And off went Tenten to the kasal. Nde na cya nagbihis dhil nagmamdali cya. Back to Neji…

Pari: Do you, Hyuuga Hinata, take this man as your lawfully wedded husband for richer or poorer, through thick and thin, till death do you part?

Hinata: (eyes shining) I do, Father.

Pari: Ikaw, Uzumaki Naruto, trip mo cya?

Naruto: Op kors!

Pari: O game, kasal na kau. Inuman na!

Neji: San nyo pinulot yang pari na yan? Parang reject ng karnabal ah. (eyes the priest who is cheerfully talking with the flower girls and bridesmaids)

Ako: Sa wakas ay dumating na c Tenten. Napabuntung-hininga ang dalaga. Pano nya hahanapin yung Mr. Hyuuga Neji eh ang daming tao? She didn't ponder on that too long kc bigla na lng nagsigawan yung mga babae. Yun pala ay throw the bouquet ceremony na. She decided to watch na rin.

Hinata: One…two…THREE! (sabay bato sa pumpon ng rosas)

Kababaihan: AKIN YAN!

(nagpahagis-hagis ang bouquet habang nagsasapakan ang mga babae para sa bulaklak. Tunay ngang mahirap na ang sitwasyong ngaung 3:1 na ang ratio ng lalaki sa babae… nde pa binilang dun ang mga binabae.)

Ako: Ngunit may sariling isip ang bouquet dahil nahagis ito sa paanan ni Neji na kalmadong umiinom ng Emperador Brandy.

Neji: Hmm? Bulaklak? Bakit andito? (sabay pulot)

Naruto: Oi, asan na yung bulaklak?

Neji: (waves arm) Andito. Anak ng…ang mamahal ng bulaklak ngaun tapos tinatapon-tapon nyo lng! Sayang…

Everyone: 0.o

Hinata: N-Naku…pano ba yan…c Kuya Neji ang nakakuha…

Naruto: Ahh…kwan…gawin na rin natin ang tradisyon… (looks at the male crowd na sabay-sabay dumilim ang mukha) Ahh…s-sino gustong lagyan ng garter c Kuya? (turns to the man in the corner) Sasuke?

Sasuke: Madapaking hell…

Tenten: (sabay tayo) Teka, konting paliwanagan nga. Yan ba c Hyuuga Neji?

Naruto: (kamot ulo) Yah… nung huli kong cyang tinanong, oo.

Tenten: OK, fine. Akina yung garter.

Everyone: o.0

Ako: Maya-maya ay nakaupo na c Neji sa gitna ng kasayahan, c Tenten nakaluhod sa harap nya. She was holding the garter already, as well as a mocking smile on her face.

Tenten: O, we meet again, Mayabang na Dikya.

Neji: Dikya?

Tenten: I'm referring to your kissing jutsu.

Neji: Fota…

Tenten: OK, cmulan na natin ang seremonyas. (looks at his pants) So pano gagawin natin? Pataas ang hila mo sa slacks o huhubarin mo na lng pababa? (receives a lethal glare) What? Nagtatanong lng eh.

Neji: (quietly lifts the hem of his pants up)

Crowd: Higher, higher!

Tenten: Rinig mo? Higher daw.

Neji: At susundin mo naman?

Tenten: Cyempre naman. The voice of the people is the voice of God. (sabay taas sa hem)

Neji: (fists clench) Pwede na jan…

Tenten: Nde ko pa nga nararating ang tuhod mo eh. Garter to, nde anklet, bobo. (pulls garter higher)

Neji: (nakaramdam ng banayad na kiliti sa binti) Tama na….

Tenten: Bakit ba takot na takot kang ma-expose binti mo? May varicose veins ka ba? Tatlo ba paa mo?

Neji: Ang ingay mo.

Tenten: (lifts the hem some more) Aba…na-iinsecure ata ako…mas maganda pa korte ng binti mo s akin ah.

Neji: Isa pang kagaguhang mamumutawi s iyo at papatulan na kita.

Tenten: (mockingly) Wag! Baka pumayag ako. (secures the garter) Okies, yan na!

(crowd erupts in applause and cheers. Nag-bow c Tenten)

Neji: (walks her away from the line of vision of the guests) Ano ba kelangan mo at sumulpot ka dito?

Tenten: Hinahanap ko c Hyuuga Neji.

Neji: (smirks) I knew it. Na-adik ka sa kissing no jutsu ko?

Tenten: Sana, kaso nde ako mahilig sa seafoods. (smiles sweetly) And2 ako kc sabi ng friend ko, may babuyan ka daw.

Neji: Watch your tongue, lady. Disente ako at ang pamilya ko kaya—

Tenten: Sinabi ko bang nde? Ang sabi ko, baka nag-aalaga ka ng baboy, kc kelangan ko yan sa business ko. Gumagawa kc ako ng chicharong bulaklak. (makes paliwanag her dilemma)

Neji: (pagkatapos marinig ang kwento) At tingin mo naman ay tutulungan kita?

Tenten: Bakit nde? Isang tingin pa lang sa iyo, matatatwa na agad ninuman na ikaw ay maginoong lalaki, mabuting mamamayan, mapagmahal sa pamilya, masunuring anak, may ginintuang puso sa mga sawimpalad at sawing-chicharon…

Neji: Wala ng libre sa mundo ngaun.

Tenten: Babayaran ko din naman pag nabenta ko ang mga bulaklak ko eh.

Neji: Masarap ba ang bulaklak mo?

Tenten: Malutong na malutong!

Neji: Cge, pag-iisipan ko.

Tenten: Naman eeeh, ma-iilit na ang bahay ko at lahat eh—

Neji: Take it or leave it.

Tenten: Sabi ko nga, macyado k kcng nagmamadali eh may mga bagay-bagay na dapat pinag-iisipan eh…

…………………………

Makukuha kaya ni Tenten ang kanyang inaasam-asam na chicharon mula kay Neji? Ano ang kabayarang hihingin ni Neji mula sa kanya?

Itutuloy…