A/N: Randomfics based on things lols! Hi to my frenny, Vanny, MD! this is for you Nainspire ako dun sa sinabi mo hahaha, cute fillers! I tried one-liners


Wallet Part 1 (inspired ito sa isang episode ng Karekano hahaha)

"Nyahahaha, syempre naman ang henyong ito ang naglinis ng court." Sambit ni Sakuragi habang nagpapalit ng damit sa kanilang locker room.

"Naku…ayan na naman tong gunggong na to."

"May sinabi ka ba ha? Soro ka."

"Madumi pa din ang sahig kanina." Sabi ni Rukawa habang tinitignan ang sapatos niya.

"Eh kung ikaw kaya panglinis ko, ha?"

"Hmph. Gunggong!"

"Oi! Tumigil nga muna kayong dalawa, hindi pa – " napatigil si Yasuda dahil may natapakan siya. "Huh?" pinulot niya ito, isang itim na pitaka.

"Ui, pitaka yan ahhh." Tapos sumilip din sina Sakuragi. "Patingin nga." Kinuha nito yung pitaka at binukas. "May pera."

"Naku! Huwag mo nga yan pakielaman."

"Bakit naman? Syempre kailangan natin tignan sino may-ari. Titignan ng henyong ito kung sino siya." Sagot ni Sakuragi bago ito tumawa at tumalikod sakanila.

"Bilangin niyo yung pera, baka mabawasan." Sabi ni Rukawa at tinignan siya ng masama nung pulang buhok niyang kateam.

"Bakit antagal niyo dyan, ah?" Biglang pumasok si Miyagi. "Ano yan?"

"Wala naman ID." Sabi ni Yasuda nung nakisilip siya kay Sakuragi. "Pero may litrato ng babae."

Litrato ng isang babae na may mahabang, kulay kape na buhok na mukhang sobrang saya. Ang mga mata nung babae ay halos nakapikit na at abot tenga ang ngiti.

"Wow… Ang ganda naman." Sabi ni Sakuragi tapos ay umiling siya. "Pero si Haruko pa din."

"Teka, Sino ba yan?" Sumilip din si Miyagi. "Ganda ah..."

"Ang ganda nga. Kung ganon sa babae yung pitaka na to? Pero mukhang panlalaki." Sabi ni Yasuda. "Tsaka may pumasok ba na babae dito?" tapos tumingin sila kay Rukawa.

"Huh? Bakit?"

"Isa siguro siya sa mga fans mo."

"Tch."

"Pero pamilyar siya." Sabi ni Miyagi at pinakatignan ulit yung litrato. "Tanong natin kay Aya-chan."

Kabihis nila, lumabas yung mga manlalaro at sakto ay nag-aayos pa ng papeles si Ayoko.

"Aya-chan, may nakaiwan ng pitaka sa locker room, mukhang pagmamay-ari ng babae kasi may litrato niya ito."

"Huh?" pinakita nila yung pitaka kay Ayako. "Ahh. Kilala ko siya."

"Ano? Fan nga ba ni Rukawa?"

"Hindi! Player siya ng volleyball club na third year na. Ano nga bang pangalan niya…Yana-senpai ata?"

"So, senpai natin siya?"

"Parang hindi naman sakanya yung wallet na ito. Panlalaki eh."

"Hinawakan ng gunggong yan, baka kulang yung pera."

"Tumigil ka, soro!" pinigilan lang ng ibang mga kasama nila si Sakuragi bago niya mabugbog si Rukawa.

Biglang napangiti si Ayoko habang ineeksamina yung pitaka. "Sa tingin ko naman lalaki ang may-ari nito. Baka boyfriend ni Senpai."

"Ahh… Oo nga. Syota niya siguro yung magandang senpai." Sabi ni Sakuragi. "Kung senpai natin siya, baka isa kina Gori, Boy labo at Michi yung may-ari."

"Oo nga."

"Pfft… Baka naman hindi syota, baka crush lang nung isa sa kanila." Sabi ni Sakuragi habang nakatawa.

"Pfft…Oo nga." sagot naman ni Miyagi. "May syota ba yung mga yun?"

"Bakit nandito pa kayo?" napalingon sila nung biglang dumating si Akagi, pagkatapos lalong nagtawanan sina Miyagi at Sakuragi.

"Gori? Imposible!" pero napatigil silang dalawa nung naalala nila yung pelikula ni Kingkong na may dala dalang babae habang gumagapang paakyat sa building.

"Anong pinagsasasabi niyo?"

"Ahhh, captain, may naiwan kasing pitaka, tapos may litrato ng babae." Pinakita ng manager kay Akagi.

"Si Yanagida ito, kaklase namin siya ni Kogure. Baka kay Kogure ito?"

"Si Boy labo ang may-ari? Aba, ibang klase din pala si boy labo."

"Kung sa bagay mas mukhang siya nga ang mag-mamay-ari nito kaysa kay captain." Sabi ni Miyagi

Parehong silang nagkabukol pagkatapos.

"Hay… Mga gunggong."

Samantala…

"Saan mo ba naiwan yun, Mitsui?" tanong ni Kogure habang pinapanood ang kaibigan sa paghahanap.

"Alam ko dala ko kanina nung naglalakad ako."

"Malaki ba yung laman na pera?"

"Ahh… Hindi naman yung pera eh, andun lang yung lucky charm ko." Sagot ni Mitsui habang pakimi pang kinakati yung batok niya. "Pampaswerte ko talaga yun."

"Baka naman nahulog kaninang nagbihis ka? Sa locker room?"

"Hmm… Baka nga… Tignan ko nga."

Bumalik ang dalawa sa gym, at nakita nilang nagkukumpulan yung mga kasama nila doon sa dulo.

"Ano naman kayang ginagawa nila dun?" tanong ni Mitsui.

"Tignan ko nga."

"Sige, punta muna ako sa locker room." At kumaripas ng takbo si Mitsui papunta sa locker room.

Naglakad si Kogure sa mga kateam niya. "Ui, Ano yan, Akagi?"

"Oh… Kogure, sa'yo ba 'to?" pinakita ng captain nila yung itim na pitaka, tapos lahat sila doon ay parang nag-aabang ng sagot ng vice captain. "Huh?"

"Ibang klase ka pala boy labo, matinik ka din pala sa chicks. Tatawagin na kitang senpai niyan eh." Biro ni Sakuragi at napakunot ng noo si Kogure.

"Teka, anong ibig niyong sabihin?"

"Sa'yo ba itong pitaka na 'to? May litrato ni Yanagida." Inabot ni Akagi sakanya yung itim na pitaka.

Ahh, yun ba yung lucky charm? "Ahhh…Hindi sa akin, ito. Kay – "

Nagulat sila nung biglang bumukas yung pintuan ng locker room.

"Naku, nawawala talaga." Lahat sila ay pinanood si Mitsui na naglakad papunta sa kanila. Ang mga basketball player na andun ay nakatulala lang at hindi nagsasalita, kahit si Rukawa ay nakamasid sa kanyang papalapit na senpai. "May nakita ba kayong itim na pitaka?"

Tahimik pa din silang lahat at nakatitig lang sila sa shooting guard na para bang may nagawa siyang mali.

"Nasa akin na, Mitsui." Sabi ni Kogure, at natuwa naman ang kasama niya sa balita.

"Salamat, kinabahan ako dun." Sabi niya, medyo nabahala lang siya sa wirdung tingin ng kanyang mga kateam. "Anong nangyari?"

"Nakita nila yung lucky charm mo." Sagot ni Kogure na tila natatawa pa din sa reaksyon ng mga kasama niya.

Hindi muna nagsalita si Mitsui, medyo nag-isip at tumingin sa kanilang lahat, pagkatapos ay…"Ahhh. Ganda, noh?" Sabi niya ng nakangisi bago siya naglakad palayo sakanila at nakalabas na ng court.

"Kung ganoon…" mahinang sabi ni Yasuda. "Girlfriend yun ni Mitsui-senpai?"

"Paano… Paano nangyari yun?!" sabi ni Sakuragi. "Kahit henyo ako ay hindi ko maisip."

"Hindi ako makapaniwala…"

"Sa tingin ko gumagamit ng gayuma si Michi at tinatago niya yun satin…Yun lang ang naiisip kong dahilan." Bulong ni Sakuragi kay Miyagi at tumango naman ang point guard sakanya.

"Haha. Ang cute naman ni Mitsui-senpai, hindi ko akalain." Sabi ni Ayako.

"Ahhh! Aya-chan! Ako din may picture, tig – " napalo si Miyagi ng malaking pamaypay sa ulo.

"Ano pang ginagawa niyo dito? Magsiuwi na kayo." Nagsiayos sila nung magsalita si Akagi.

"Yes, captain." Sabi nila at nagsipunta pabalik sa locker room.

Lumapit naman si Akagi kay Kogure. "Nagulat ako dun ah."

"Ahh, Hindi mo ba alam?" Nakatawang sagot ni Kogure at tinignan lang siya ni Akagi.

"Hindi…Akala ko picture ni coach lang ang meron si Mitsui."


A/N: Yep, May part 2 haha

Nagkakawriter's block ako, naiinis ako. Dahil siguro ginagawa ko yung thesis ko kaya scientific thinking mode muna ako hahaha. Gusto ko lang magsulat ng tungkol kay Michi para marelieve yung stress ko. Mga parts nga pala to na dapat ilalagay ko sa main story pero di ko alam paano isingit, since yung main story mostly talaga interaction lang ni Sera at ni Mitsui, para na man may mga side comments yung mga kasama nila. Spoiler lang hahaha, mostly long hair si Michi dun sa unang fanfic, though labs ko naman siya with any hair, mas naggwapuhan ako with the short one hahaha, so yung mga stories dito, short hair ko na siya na-iimagine. Pwede naman tong futurefic or Random one shots lang, gusto ko kasi minsan magbasa ng one shots lang or yung short stories, para kasing no strings attached yung dating, mabilis lang basahin tapos happy na char.